Blog

  • Lagao hinampas ang Mabuhay sa Pinweight category 43-47 kg, 2025, 2-1 

    GENERAL SANTOS CITY, Pilipinas – Walang pigil na hampas ang ipinamalas sa laban ng Arnis ang ng iskrimador ng Lagao ang iskrimador ng Mabuhay sa bisang 2-1 (5-2, 7-1, 6-1) dominado, sa ginanap na Pinweight Category 43-47 kg, ika-15 ng Pebrero, 2025 na ginanap sa gymnasium ng General Santos City National School of Arts and Trades (GSCNSAT).

    Matitibay na hampas ang ibinigay ni Steven Jay Bargo ng Lagao sa katunggaling si Bryan Khein Arnaiz ng Mabuhay sa ginanap na labanan ng Arnis, tinanghal naman panalo ang iskrimador ng Lagao na si Steven.

    Humakot ng sunod-sunod na puntos si Bryan isang labing-limang (15) taong gulang na Arnisador ng Mabuhay sa unang round ng laro na pinaluan ng 5-2 ang kalaban nito na nagdala para makamit ang panalo sa unang round ng laro.

    Nagbigay ng knee left at sunod-sunod na shoulder left na mga atake si Bryan at matapos mahulog ang padded stick ni Steven ay nabigyan ito ng foul at nagresulta ng dagdag na isang puntos sa kalaban nitong si Bryan

    Umarangkada at pinakitaan din ng 15 taong gulang na si Steven Khein Bargo ang arnisador ng Mabuhay sa ikalawang round at ipinamalas ang mga hampas na 7-1 sa labanan na hudyat ng pagkuha nito sa panalo kay Bryan mula sa unang round.

    Binigyan ng matitinding palo ng iskrimador ng Lagao ang katunggaling si Bryan at inilatag ang 7-1 na atake sa mga head strikes na pinakawalan nito; binigyan naman ng puntos ni Bryan si Steven matapos itong lumampas sa linya. 

    Hindi na pinalampas ni Steven ang pagkakataong manalo at hindi na hinayaang makabawi pa sa labanan si Bryan ng tarakan nito ng 6-1 na sunod-sunod na atake ang katunggali, na nangangahulugang si Steven na ang itatanghal na kampiyon sa nasabing laro. 

    Itinanghal na kampiyon ang Arnisador ng Lagao na si Steven Jay Bargo matapos ang labanan; umuwi namang talo ngunit masaya ang Arnisador ng Mabuhay na si Bryan Khein Arnaiz at tinapos ang labanan ng payapa.

  • Pinatatag o pinahirap 

    Kurikular na pinatatag ba talaga ang ipinatupad ng gobyerno o kurikular na mas pinahirap? Bilang isang mag-aaral mahirap para sa akin na mag-adjust kaagad lalo na nung kakatapos pa lamang ng pandemya, dahil marami ang nawala at mga karanasan ko sa kasagsagan at pagkatapos ng pandemya.

    Napansin kong sa bagong kurikulum na ipinatupad ng gobyerno, mas naging advance ito kaysa sa mga nakaraang kurikulum, gayunpaman malaki rin ang adjustment na kailangan kong i-adjust para makasabay o maintindihan ang bagong kurikulum na ito. 

    Marami ang natuwa sa bagong panukalang ito, ngunit ako ay umaalma sa ganitong panukala dahil hindi lang nabwasan ang oras namin sa tanghalian, kundi mayroon ng sariling oras ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) na dati ay tuwing huwebes at biyernes lamang, ngunit dahil sa bagong kurikulum ay may sariling oras na ito sa araw ng pasukan ng mga mag-aaral.

    Kinakailangan rin ng mga estudyante na kagaya ko ang sapat na panahon para masanay sa ganitong klase ng pagbabago sa paaralan.

    Sa ngayon ay nakakasabay at nasasanay na ako sa ganitong uri ng set-up sa aming paaralan, hindi man ako talagang sanay ay pinipilit kong makasabay sa pagbabagong nangyayari sa aking paligid o sa paaralan.

    Ngayon ay nahihirapan man sa ibang asignatura ay hindi parin ito naging hadlang para makasabay sa mga pagbabago at matutu ng iba pang aralin.

    Kailangan ko na lang sigurong bigyang pansin kung paano ko mas mapopokus ang aking sarili at mas maintindihan ang mga ito para rin ay mas masanay ako sa bagong kurikulum na ipinatupad ng ating gobyerno.

  • Karahasan at pang-aapi, nararapat nang maglaho

    Ang pang-aabuso at ay isang napapanahong isyu na kinakabahala ng nakararami, isa itong pag-uugaling dapat mawala o mahinto, dahil hindi ng iilan ang naapektuhan nito, kundi ay marami na hindi nakakatuwang isipin.

    Nararapat lang talagang mahinto ang ganting kaugalian, dahil minsan ito ay isa rin sa mga dahilan ng paglobo ng kaso ng mga nagpapakamatay, at para sa akin nakakatuwang isipin kung wala ang karahasan sa kahit saan mang panig ng mundo.

    Noong ako ay bata pa kasi ay nakaranas na akong ng bullying dahil sa ako raw ay mataba, ngunit dahil nga ako ay bata pa hindi ko mun ito pinansin habang sa tumatagal ay napapasok na sa aking isipan ang ganitong klase ng diskriminasyon, dahilan para ako ay makaranas ng anxiety.

    Hindi ko hinayaang lamunin ako ng diskriminasyon, kaya ginamit ko ito bilang inspirasyon na kahit mataba ako ay marami parin akong na kakamit na mga pangarap at parangal sa kabila ng diskriminasyon o pangugutya sa akin ng ibang tao.

    Dapat rin nating ipaklat ang mga kaalamang ganito at ipakita ang kabutihan para mas lumago at umayos ang ating bayan at maging ang pagkakaroon ng payapa at kampanteng puso’t isipan.

    Para sa akin hindi natin kailangang patunayan ang halaga at sarili natin sa ibang tao, dahil dito nag sisimula ang pagiging matapang natin kung kilala natin ang ating at alam natin ang sarili nating halaga. 

    Kinakailangan talaga ng sapat na pagtututok sa mga kabataan o kahit sino mang nakakaranas ng ganitong paggtrato, dahil baka humantong lamang ito sa wala. 

    Kailangan talagang ipa-kalat o magbigay alam ang mga taong may alam o turuan sila sa mga ganitong karanasan para maituro rin nila sa iba.

    Kung ako ang masusunod ay pipiliin kong ipatigil ng ganitong mga paguugali bigyang sulosyon ang ganitong problema, at makipag-ugnayan sa mga taong nakakaranas ng ganito o ang mga tao mismong gumagawa nito para matanung ang kani-kanilang mga panig.

  • Kapootang panlahi sa loob ng paaralan 

    Kasalukuyang kinakaharap ng mga estudyante ngayon ang kapootang panlahi o racism sa loob ng paaralan o silid aralan, isa ito sa nakikitang isyu ng pamahalaan sa loob mismo ng ikalawang tahanan ng mga mag-aaral. Racism o kapootang panlipunan ay isang kaugalian na hindi dapat isawalang bahala dahil kapag lumala ito at mapapabayaan lang maaring itong mas lumala o humantong pa sa pambubully o higit pa. Isa itong isyu na dapat malaman ng mga kabataan o ng mga tao, dahil hindi ito basta basta lang, ito ay isang paguugaling dapat na mahinto.

    Maraming kaso na ang napapabalita sa mga kumikitil ng sarili nilang buhay na minsan ang dahilan ay racism, bullying, pang-aabuso at iba pang mga dahilan para kunin ng isang tao ang kanyang sariling buhay. Ang racism ay isa lamang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng depresyon o anxiety ng isang indibidwal. Isa sa mga halimbawa ng racism sa loob ng silid aralan ay ang paglalagay ng label sa mga estudyante ng partikular na grupong etniko o kultura upang sila ay mapansin ayon sa mga stereotype sa halip na bilang mga indibidwal.

    Ang ganitong paguugali ay hindi nagugustuhan ng halos lahat, hindi lang dahil ito ay masama kundi nakakapagpabawas rin ito ng kompyansa sa sarili. Nais ipabatid ng mga mamamayan lalo na yung mga nakakaranas ng ganitong pang-aapi ay sana matutukan din ito ng gobyerno para aitigil ang ganitong klaseng pag uugali, ng sa ganon ay maging mapaya at maayos ang pag-aaral ng mga estudyante.

    Ayon sa isang estudyante “ dapat lang po talaga na matigil o maiwasan ang ganitong klase ng ugali po ng mga kabataan o kahit nino man po, kase kung magpapatuloy po ito hindi ko na lang po alam kung may kapayapaan pa ba tayong makikita.” na sinang-ayunan naman ng iba pang mag-aaral.

    “Siguro po eh sa mga magulang din po na disiplinahin din po nila ang kanilang mga anak at bigyan ng tamang pag-aalaga at palakihin ng maayos para hindi po maging mapangutya at magdiscriminate ng kapwa nila.” pahayag naman ng isang magulang.

    Huling nagbigay ng pahayag ay ang isang guro na nagsabing “ here po kasi school, kailangan na tayo ang nag-gu-guide sa mga students natin na hindi maging racist para maging maayos ang ugyanayan ng bawat isa.” saad nito, “ at kami rin pong mga guro ay nagtutulungan na mawakasan ang ganitong kaugalian sa loob ng paaralan.” dagdag pa nito.

  • Bantay-Kamao sa Typo

    Sa mundo ng campus journalism, ang Copy Reading at Headline Writing ay hindi biro. Isa itong pagsubok ng talas ng isip at bilis ng pag-edit. Sa Romana C. Acharon Central Elementary School , isang coach na si Roel Neniel Revilleza na may limang taon nang karanasan sa copy reading and headline writing na ito ang patuloy na gumagabay sa mga kabataang mamamahayag upang maabot ang rurok ng tagumpay.

    “Napakahirap,” ika nga ng coach, “dahil kahit magaling ang bata, kailangan ding maging mahusay ang coach. You cannot teach what you don’t know.” Kaya’t habang nagsasanay ang mga estudyante, doble ang pagsisikap ng coach upang pag-aralan ang bawat detalye ng copy reading.

    Hindi biro ang juggling ng tasks, lalo na kung maraming sinalihang event ang mga mag-aaral. Ngunit sa kabila ng hirap, nahanap ng coach at mga estudyante ang balanse upang magpokus sa copy reading.

    Ang tatlong taong karanasan ng coach sa NSPC ay nagsilbing matibay na pundasyon upang mahubog ang mga estudyante. Bitbit niya ang mga aral ng nakaraan at ang dedikasyon para sa hinaharap.

    Ang payo niya sa mga campus journalists? “Keep on reading and writing. Baka hindi ka pinalad ngayon, pero baka may mas angkop na event para sa’yo. Huwag kang susuko.”

    Patience, dedication, at pagiging updated sa mga balita—ito ang mga katangiang dapat taglayin ng isang coach. Sa kabila ng hamon, patuloy ang paghasa ng mga kabataan at ng kanilang mentor.

    Bitbit ang pangarap na magtagumpay hindi lamang sa NSPC kundi sa bawat pahina ng kanilang paglalakbay sa mundo ng journalism, nagpatuloy sila sa kanilang paglalakbay tungo sa mas mataas na antas ng kahusayan.

  • Saluysoy ng Katotohanan: Isang Kwento ng Tagumpay sa NSPC!

    Isang makasaysayang tagumpay ang nakamit ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Heneral Santos nang masungkit nila ang ikalawang pwesto sa Best School Paper sa kategoryang Filipino sa National Schools Press Conference (NSPC) 2024 na ginanap sa Carcar, Cebu City.

    Matapos ang mahabang panahon ng paghahanda, rebisyon, at pagsasanay, nagbunga rin ang lahat ng pagsisikap ng buong pahayagan ng paaralan. Bawat pahina ng kanilang pahayagan ay sumasalamin sa kasipagan at dedikasyon na kanilang inialay sa kompetisyon.

    Tampok sa kanilang school paper ang mahusay na balita, malikhaing lathalain, matalas na editoryal, at kapana-panabik na sports writing, at ang buong parte ng school paper. Ang pagkaka-balanseng nilalaman at mataas na kalidad ng kanilang gawa ang naging daan upang mapansin sila sa pambansang antas.

    Hindi naging madali ang proseso. Mula sa pagbuo ng mga ideya hanggang sa huling paglalapat ng layout, kinailangan ng tiyaga at pagsisikap upang maabot ang pamantayang hinihingi ng NSPC.

    Ang tagumpay na ito ay hindi lamang nagbigay ng karangalan sa paaralan kundi nagsilbing inspirasyon sa iba pang mga mag-aaral na nagsisikap sa larangan ng campus journalism.

    Sa kabila ng mga pagsubok, pinatunayan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Heneral Santos na kayang makipagsabayan at magtagumpay sa pinakamataas na antas ng kompetisyon sa pamamahayag.

    Pag-uwi sa kanilang lungsod, dala nila hindi lamang ang tropeo kundi ang inspirasyong magpatuloy, magpursige, at magbahagi ng kanilang husay sa bawat pahina ng kasaysayan ng campus journalism.

  • Balita, Kamera, Aksyon! Paghahanda ng Heneral Santos Delegates para sa RSPC

    Sa bawat sabado na lumilipas, bumabalot sa isang silid ang ingay ng tiklado, tunog ng camera shutter, at malalalim na buntong-hininga ng mga kabataang mamamahayag ng Heneral Santos. Limang Sabado na silang walang sawang nagsasanay para sa Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Isulan, Sultan Kudarat.

    Hindi biro ang kanilang pinagdadaanan. Sa kabila ng pagod mula sa regular na klase, pinipili nilang manatili upang hasain ang kanilang kakayahan sa pagsulat at pamamahayag. Sa bawat sulok ng silid, may abalang mga kamay at isipan—nagsusulat ng headline, nag-eensayo sa harap ng kamera, at hinahanap ang tamang tono at kumpiyansa.

    “Mahirap, pero masarap sa pakiramdam kapag natuto ka ng bago,” wika ng isang kalahok habang binabasa ang kanyang balita. Hindi lang tungkol sa pagkapanalo, kundi sa paglago bilang mamamahayag ang kanilang pinaghahandaan.

    Nasa puso ng bawat kalahok ang pangarap na maiuwi ang karangalan para sa kanilang lungsod. Hindi lamang sila nagsusulat o nagpipinta ng editoryal cartoon; sila’y nagkukuwento ng katotohanan at bumubuo ng koneksyon sa kanilang mambabasa at manonood. Sa kabila ng limitadong oras at mga pagsubok, makikita sa kanilang mga mata ang determinasyon.

    “Ang RSPC ay hindi lang kompetisyon, ito ay isang paglalakbay,” wika ng isang tagapagsanay. Ang patuloy na pagsasanay ay nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob na humarap sa anumang hamon.

    Hindi rin matatawaran ang suporta ng mga paaralan at opisyal ng dibisyon. Sila ang nagsisilbing haligi ng mga kabataang ito, tinitiyak na may sapat na gabay at kagamitan upang mapabuti ang kanilang kasanayan. Sa bawat araw ng pagsasanay, nadaragdagan ang kanilang pag-asa at tapang.

    Habang papalapit ang araw ng RSPC, hindi lamang baon ng mga delegado ang kanilang mga camera, mikropono, at panulat. Dala nila ang mga pangarap, aral ng sakripisyo, at diwa ng Heneral Santos City na nag-uudyok sa kanila na magtagumpay. Anuman ang maging resulta, tiyak na ang kanilang kwento ay patunay ng sipag, tiyaga, at pagmamahal sa larangan ng pamamahayag.

  • Heneral Santos Delegates, Handang-handa na para sa RSPC

    Kasalukuyang nasa ika-limang Sabado na ang training session ng Division ng Heneral Santos bilang bahagi ng masusing paghahanda para sa nalalapit na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Isulan, Sultan Kudarat.  

    Ang mga kalahok sa iba’t ibang kategorya sa Filipino at English, kabilang ang Pagsulat ng Balita, Lathalain, Editoryal, Sports, Column, Copy Reading and Headline Writing, Editorial Cartooning, Photojournalism, Radio Broadcasting, at TV Broadcasting, ay puspusan nang nagsasanay upang maging handa sa kumpetisyon at maipakita ang husay ng mga campus journalists mula sa lungsod ng Heneral Santos.  

    Ayon sa mga tagapagsanay, ang patuloy na pagsasanay ay mahalaga upang mapabuti ang kahandaan ng mga kalahok, lalo na sa pagbuo ng dekalidad na sulatin at malikhaing presentasyon.  

    Samantala, patuloy ang suporta ng mga paaralan at opisyal ng dibisyon upang matiyak na may sapat na paghahanda ang delegasyon bago sumabak sa RSPC. Inaasahan na ang mga kalahok ay magpapakita ng kanilang husay at dedikasyon sa larangan ng pamamahayag upang makamit ang tagumpay at maiuwi ang karangalan para sa Heneral Santos City.  

  • Ricris Divine Pormento, kinatawan ng PMPLHS sa RSPC sa Editorial Cartooning

    Heneral Santos City– Kinatawan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Heneral Santos (PMPLHS) si Ricris Divine D. Pormento sa Editorial Cartooning (Filipino)  – Secondary Level sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Isulan, Sultan Kudarat.  

    Bilang paghahanda, ibinahagi ni Pormento ang kanyang mga ginagawa upang mapahusay ang kanyang kakayahan sa paglikha ng editorial cartoon. “Nagbabasa ako ng mga artikulo upang magkaroon ng ideya sa mga isyung maaaring pagbasehan ng kartun. Bukod dito, regular akong nagpapraktis sa pagbuo ng konsepto upang mapaunlad ang aking pag-iisip,” ani Pormento.  

    Inamin din niya ang hamon ng kompetisyon, lalo na sa pagbuo ng konsepto at paggamit ng limitadong mga elemento. “Mahirap ito dahil kailangan gumamit ng malikhain at kritikal na pag-iisip upang maipahayag ang mensahe sa pamamagitan ng simpleng kartun,” dagdag niya.  

    Si Pormento, na gumawa rin ng straight news, ay patuloy na nagsusumikap upang maging handa sa RSPC, kung saan magtatagisan ng husay ang mga mamamahayag na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon.  

    Ang RSPC ay isa sa pinakamahalagang kumpetisyon sa campus journalism, na naglalayong linangin ang kakayahan ng mga kabataang mamamahayag sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, lathalain, editoryal, at editorial cartooning.  

    top darknet markets

  • Lente at Lapis: Paglalakbay ng Heneral Santos Delegates sa RSPC

    Sa likod ng bawat matagumpay na balita ay isang kwento ng pagsisikap at dedikasyon. Para sa mga delegado ng Heneral Santos, ang paghahanda para sa Regional Schools Press Conference (RSPC) sa Isulan, Sultan Kudarat ay isang paglalakbay na puno ng inspirasyon at aral.

    Hindi lamang mga kagamitan ang kanilang dala—bitbit nila ang pangarap na maiuwi ang karangalan para sa kanilang lungsod. Bawat pindot ng camera at hagod ng panulat ay bunga ng mahabang oras ng pagsasanay at sakripisyo.

    Sa kabila ng pagod sa eskwela at personal na mga hamon, pinili nilang maglaan ng oras upang paghusayin ang kanilang kasanayan sa pagsusulat, pagkuha ng larawan, at paghahatid ng balita. Ang bawat pagkakamali ay nagsisilbing hakbang patungo sa pagiging mas mahusay.

    Hindi man madali, ang kanilang paglalakbay ay pinuno ng suporta mula sa kanilang mga paaralan at tagapagsanay. Ang bawat payo at gabay ay nagsisilbing liwanag na nagtutulak sa kanila na magpatuloy.

    Habang papalapit ang RSPC, dala ng mga delegado hindi lamang ang kanilang mga kagamitan kundi pati ang lakas ng loob at pangarap. Para sa kanila, ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa tropeo kundi sa bawat natutunan at naibahaging kwento.

    Ang Heneral Santos Delegates ay patunay na sa bawat lente at lapis, may kwento ng tapang, tiyaga, at pagmamahal sa larangan ng pamamahayag.