
GENERAL SANTOS CITY, Pilipinas – Napatumba mula sa naganap na bakbakan ng wrestling ni Alexander Wago si Lance Pates sa bisa na 1-0 dominado, ika-25 ng Enero sa General Santos City National Secondary School of Arts and Trades, Alexander pinwestuhan ang upuan tungong SOCCKSARGEN Regional Athletics Association (SRAA) meet 2025
Kalmadong sinimulan ang labanan ng biglang naging mala Osong gutom ang defending champion na si Alexander matapos nyang bigyan ng behind the back na atake si Lance.
Sinabayan naman sa rambulan ni Lance ang pagka agresibo ni Alexander at sinubukan itong patumbahin ng maunahan sya ni Alexander at muling binigyan ng rolling attack si Pates na nag nangangahulugang nadagdagan ito ng puntos at nalamangan nito si Pates.
Patuloy ang bakbakan ng dalawang manlalaro at nag iwan si Alexander ng agwat na 3-0 ipinagpatuloy naman nila ang labanan at muling makatanggap ng atake si Pates.
Matapos muntik maka alis sa butas ni Pates saka naman sya pinigilan ni Wago at pinatikim ng pin down na atake hudyat ng pagka panalo nito sa labanan.
Nadepensahan ng defending champion ang kanyang titulo dahil sa kanyang estratihiya at ayon pa rito ang kanyang ginawang preperasyon raw ay “ training…nagkaon para naay energy.”
Nais raw ni Alexander na makalaro at manalo sa Palarong Pambansa kaya sinisikap nyang mag ensayo at magpalakas ng katawan.
Sabi pa ng 15 anyos na si Alexander ay “ Kung mahadlok ka sa kalaban mapildi gyud ka.” at ang mga ginagawa nya pa raw ay “jogging, stretching, pray” para manalo sa labanan
Ayon pa sa trainor nito na si Gil Gomez “Ang among gina prepare karon kay ang strength.” “more ano pa gyud ah techniques, improvement sa stamina mao na among gina kuan, kumbaga doble ang among gina buhat karon kay ang among kalaban mga datihan na.”