Category: Editoryal

  • Lumalapit na opurtunidad 

    Alternative Learning System (ALS), isang programang si Senator Win Gatchalian ang may akda at sponsor, kung saan nabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga kababayan natin. Dahil sa tumataas na dropout cases na bilang ng mga mag-aaral, hinimok ni Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na bigyang tugon ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas sa ALS. 

    Nagagalak ako sa nga opurtunidad na ibinibigay ng programan sa mga mag-aaral na nakakapagtapos dito, ngunit nalulungkot rin sa rami ng mga nagda-dropout rito. Sana maipagpatuloy ang programa ng mas marami pa ang matulungan at mabigyang nito ng mas magandang kinabukasan. Nung una, hindi pa ako masyadong mulat sa ganitong kaisipan, wala akong pake ang gusto ko lang ang matapos ko kung ano man ang gusto ko, ngunit ngayong nalaman at naging bukas ako sa aking paligid naoagtanto kong dapat talagang mabigyang ng pansin at tulong ang mga kapwa ko rin estudyante na nais makapagtapos ng pag-aaral.

    Tuning nakikita ko ang determinasyon at pagsisikap ng kapwa ko estudyante, natutuwa ako dahil may mga opurtunidad at pagkakataong kagaya nito na hindi rin nila sinasayang, ipinamamalaki’t nakakatuwang isipin ang pagpupursigeng ginagawa nila. Dahil sa batas na Alternative Learning System Act” (Republic Act No. 11510) nabibigyabg sila ng magandang at ikalawang opurtunidad na makapag-aral lalo na yung mga out-of-school children in special cases, pati na rin ang mga nakakatandang mag-aaral, kanilang ang mga indigenous peoples. Kabilang sa mga out-of-school children in special cases ang mga mag-aaral na may kapansanan, children in conflict with the law, at nga kabataang nasa gitna ng mga sakuna. 

    Ito ay isang magandang opurtunidad na hindi dapat sayangin, kung kaya’t kung maykakilala ako, minumungkahi ko sa kaniya/kanila ang mga maaari nilang matanggap sa ilalim ng programa, ng sa ganoon, makaktulong at makapag-enroll sila ng matulungan rin sila ng gobrmyerno. Para sa akin, mas napapa-unlad pa ang programa kung ito ay nakakarating sa mga taong nasa bundok na nais makapag-aral o nais makaranas na makapag-aral, hindi lang mapapataas ang bilang ng mga nakakapagtapos sa programa, kundi marami rin ang matutulungan nitong mga kababayan. Mas mabuting matulungan tayo para maipakalat at maihatid ang ganitong opurtunidad sa nga kapwa nating nakatira sa bundok at sa mga liblib na lugar, para makarating sa kanilang ang mga kaganapan at pagkakataong kagaya nito.

    Masaya at magaan sa loob kong ipa-abot sa kapwa ko ang ganitong opurtunidad, dahil batid kong pagtutulungan at pagbibigayan ang makakapagpa-unlad sa ating bansa. Kung walang pagbibigayan at yung mga nasa taas lamang ang nakikinabang patuloy na malulubog ang ating bansa. Mabuting mapagtuonan ng pansin ang ganitong provlema, upang maaksyonan kaagad at mabigyan ng solusyon, kagaya ng kawalan ng edukasyon na isang malaking problema na sinulusyonang ni Senator Gatchalian ng ALS o Alternative Learning System na nakakatulong sa mga kababayan natin.

    Bilang isa ring mag-aaral hangad ko mabigyan rin ng sapat na edukasyon ang kapwa ko rin estudyante, para parehong umunlad at umangat ang ating bansa. Kagaya nga ng sinabi ni Nelson Mandela na “Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”, na nagpapahayag na maaari nating mabago ang mundo kung may sapat tayong kaalaman at maari natin itong mas pagbutihin pa. Kailangan nating bigyan ng sapat at magandang kwalidad ng edukasyon ang bawat isa, ng sa ganoon, mapabuti at mabago natin ang bulok na sistema ng ating mundo.

  • Gatchalian: Nais pataasin ang bilang ng mga nakakapagtapos sa Alternative Learning System (ALS)  

    Ayon sa Year Two Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), umaabot sa 600,00 kada taon ang average enrollment sa ALS ngunit nanatiling mababa ang bilang nag nagtatapos dito, kaya hinimok ni Senator Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tugunan ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas sa ALS para mas tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na nakakapagtapos sa programang ito. Para sa school year 2023-2024, 302,807 (46.2%) lamang ang bilang ng mga nagtapos dito. 

    Binigyang diin ni Gatchalian ang mga dapat malaman ng mga mag-aaral kung ano ang mga kakayahan at trabaho na maari nilang makuha matapos makumpleto ang programa. Iminungkahi rin niya ang programa sa guidance at counseling upang hikayatin ang mga mag-aaral ng ALS na manatili sa programa. Sa ALS nabibigyan ng ikalawang pagkakataon sa edukasyon ang mga hindi nakapagtapis ng pag-aaral. Sa ilalim ng Alternative Learning System Act” (Republic Act No. 11510), ginagawang institutionalized, pinatatag, at palawakin ang saklaw ng ALS upang mabigyang ng pagaakataong makapag-aral ang nga nakakatandang mag-aaral, mga out-of-school children in special cases, maging ang mga indigenous peoples. 

    Ayon sa pag-aaral ng United Nations International Children’s Emergency Fund UNICEF noong 2021, kadalasan dahilan ng Mataas na dropout rate ang kakulangan ng suportang pinansyal, pangangailangan makapagtrabaho, at ang kakulangan ng interes. Nilagdaan ang batas sa ALS noon pang 2020, ngunit hindi pa rin lumalabas ang pamantayan para sa pagpapatupad nito na pinuna ng EDCOM. Isa rito ang tulungan ang Local Government Unit (LGU) na magamit ang Special Education Fund (SEF). 

    Marami ang nasiyahan sa pagpapa-unlad ni Gatchalian sa programang ALS para matulungan ang mga mag-aaral na hirap sa buhay. Nais ng marami na sana mas pagbutihin pa ni Senator Win at ng gobyerno ang programang ALS sa pagsuporta sa mga estudyante nito. Bagamat marami ang nagda-dropout, kinakatuwa ng mga mamayan ang panmumungkahi at pang-eenganyo nito na makapagtapos ang mga mag-aaral nito sa parehong programa.

    “Maiintindihan rin naman po kasi natin kung nagda-dropout yung student kasi po minsan may mga problema pong hindi talaga makaya or ma-handle po ng student lalo na po kung, like mga bayarin po ganon.” Ayon sa isang estudyante “Siguro po nakakatuwang isipin na may programang ganito na nagbibigay po ng opportunities sa kapwa din po namin.” dagdag pa ng estudyante 

    Ikinatuwa naman ng mga guro ang panghihikayat ni Gatchalian sa mga mag-aaral na tapusin ang ALS dahil sa mga maaaring nilang matanggap na mga opurtunidad sa programa kung magtatapos sila dito. Sabi pa ng isang ina na guro rin, “ Nasisiyahan po ako kase… sapagkat may programa na kung saan mabibigyang pansin ang mga mag-aaral na nais makapag-aral, ngunit hindi nila magawa dala bg kahirapan at iba pang mga personal na rason.”. Makakabuti rin ito hindi lang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa magulang ng bata, dahil kahit papaano, may natututunan parin ang kanilang mga anak. 

    “Mahalagang maunawaan ng ating mga mag-aaral sa ALS ang mga opurtunidad ba maaari nilang matanggap sa ilalim ng programa. Ang ALS ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa ating mga kababayan at hindi natin ito dapat sayangin.” Ayon kay Gatchalian, may akda at sponsor ng batas sa ALS.

  • Hindi nakakabatid o pinipigilang maipabatid

    Malaking tulong kung bigyang diin ng iba ang “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Ferdinand Marcos, dahil sa mura at dami ng produkto, pero bakit limitado lang ang nakakasagap na may mura palang mga pwedeng pagbilhan ng mga produkto. Batid ng lahat ang tulong na ito at natutuwa, pati narin ako. Kung iisipin makikitang malaki ang naging tulong nito sa mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante at lalo na sa mga mamimili.

    Isa sa nakikita o napapansin ko patungkol sa “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM), hindi ito pinapaalam sa iba na naghihirap ng sobra, sadya nga bang hindi sila nakikisama o may mga sakim lang talaga? Bigyang pansin natin ang ganitong mga isyu at para matugunan kaagad nang makita natin ang mga taobg naghihirap ng lubusan na karapat dapat na makinabang. Baka naman pala as lang lahat ng ito para makuha ang loob ng maraming tao.

    Natutuwa naman ako sa ginawang programa ng Pangulo, ngunit lahat nga ba talaga ang nakikinabang? Bakit tila hindi ito nakakarating sa iilan? Hindi nga ba nakakarating o pinipigilan itong makarating ng mga nasa kaoangyarihan?

    Sana mabatid ito ng gobyerno na ang nakararami lalo na ang mga naghihirap ang mas dapat makinabang, hindi lang yung iilan, dahil sa kanilang kasakiman. Kung ako ang tatanungin mas uunahin kong bigyan ng tulong ang nga naghihirap kaysa sa may kaya pa, batid Kong para sa lahat ang Kadiwa, para tulungan ang mga mamamayan sa tumataas na bilihin, pero sana naman hindi sila maging sakim at bigyan rin nila ng pansin ang nga masnaghihirap pa sa kanila. Mga opisyal na sinosolo ang mga pagkakataong kagaya ng programang ito ng gobyerno, mga taong hindi nararapat sa posisyon at sa botong ibinigay ng sambayanan.

    Pagbibigayan ang sulosyon para sa mas mapayapa’t maayos na bayan, dapat nating bigyan ng pansin ang mga naghihirap na karapatdapat na makinabang sa ginawang proyekto ni  PBBM. Magiging mas matiwasay ang pamumuhay at mas makinabang ang dapat na makinabang at hindi ang mga kaya namang makabili.

  • Boses sa likod ng paghihirap

    Nakakatulong talaga ang Kadiwa ng Pangulo dahil sa laki at pagtaas ng mga presyo ng bilihin, hindi talaga maiiwasang maghirap ang mga tao sa paghahati-hati at pagbubudget sa mga kailangang bilhin gaya ng pagkain sa araw-araw, kuryente, tubig at iba pang mga bayaran.

    Natutuwa ako sa isinagawang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi lang sa nakakatulong ito sa mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante kundi pati na rin sa mga mamimili na naghihirap sa mga gastusin.

    Dahil sa Kadiwa ng Pangulo mas napapa-unlad nito ang sektor ng agrikultura na pinagkukuhanan ng pagkain ng mga taong bayan na isa rin sa kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga maliliit na negosyante, dahil sa Kadiwa ng Pangulo, mas dami at mura ang mga produkto kagaya ng bigas, gulay, at prutas.

    Bilang isang anak nais kong mas mabawasbawas ang nagagastos ng aking mga magulang, dahil batid ko din ang kaganapan sa paligid ko gaya na lamang sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kaya nasisiyahan talaga ako sa isinagawang programa ng gobyerno, kung saan mas makakatipid ang aking mga magulang sa mga gastusin.

    Para sa akin isa itong mabuting hakbang sa pagpapalago sa sektor ng agrikultura, dahil sa benepisyong nakukuha ng parehong mamimili at negosyante na nakakatulong sa mamamayan.

    Masasabi kong napapakinabagan talaga ng nakararami ang programang ito ng gobyerno na parehong nagpapalago at nagpapabuti sa daloy ng bentahan ng mga produkto ng mga magsasaka at mga mangingisda.

    Ngunit minsan, hindi sa lahat ng pagkakataon makaka-abot ka sa mga paninda roon, dahil marami ang umaasa sa murang presyo ng mga bilihin sa Kadiwa, kaya kung minsan, kapag na-uubusan na, makaka bili ka talaga sa mga tindahan na mataas ang presyo.

  • Kadiwa, presyong pangmasa 

    Tinutuloy ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang programang “Kadiwa ng Pangulo” para sa layunin nito na parehong makinabang ang mga magsasaka at mga mamimili. Tinggal sa sekular ng bentahan ang middleman. Isa pa sa mga layunin nito ay ang mabenta ang mga produkto, kung saan tiyak na mas kikita ang mga magsasaka, mangingisda, at mga maliliit na negosyante.

    Isinagawa ang Kadiwa ng Pangulo para mapalago ang sektor ng agrikultura na makaktulong sa nakararami lalo na ng mga magsasaka at iba pang pangkabuhayan. Dinudumog ang Kadiwa ng Pangulo ngayon at marami ang nagpapalista ng pangalan para makapamili rito dahil sa dami at mura ng mga bilihin gaya ng bigas, gulay at prutas.

    Sumali rin ang “Diskwento Caravan” na nasa Cultural and Sports Center sa San Antonio, Quezon kasama ang Kadiwa ng Pangulo. Ayon pa sa isang mamimili na si Cristine Dauz “Sabi kasi pag Kadiwa mura kaya… tsaka presyong paninda.”

    Komento ng marami ay malaking tulong ang ginagawang hakbang ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura ngunit may iba na mang umangal at sinabing “Hindi naman kasi lahat makaka-avail sa Kadiwa ng Pangulo, tapos kadalasan may iba ring mga kapitbahay eh… hindi nagsasabi na may ganito, ganyan pa lang nagaganap na unfair naman sa mga kagaya namin. Makakamura sana kami at maaari pa naming bilihin ang mga kailangan namin sa pang-araw-araw.”

    “Isang malaking tulong sa aming mga magsasaka, sa aming mga magtatanim na naibebenta namin ang dapat, dahil ang Kadiwa ng Pangulo, ito yung halos ay, pinagsama-sama para bumili ang mga mamimili. Produktong sariling atin, dapat nating tangkilikin.” Ayon pa sa isang magsasaka na si Noriet Murillo na natutuwa sa programa ng gobyerno.

    Marami ang natutuwa sa isinagawang proyektong ito ni PBBM dahil sa malaki nga ang naitutulong nito at madami pa ang matutulungan nito, ngunit may iilan paring hindi naniwala rito, sabi pa ng isang individual na “Pakitang tao lang yan, para lang yan maniwala sa kanya ang mga tao.” .

    Nais pa ng programa na marami pa ang maabutan ng tulong at mas maipa-abot pa ito sa kahit saang panig ng bansa na totoo naman nakakatulong. Hindi maiwasan ng iilan ang magdalawa dahil sa sari-saring mga naririnig ng mga ito.

  • Pinatatag o pinahirap 

    Kurikular na pinatatag ba talaga ang ipinatupad ng gobyerno o kurikular na mas pinahirap? Bilang isang mag-aaral mahirap para sa akin na mag-adjust kaagad lalo na nung kakatapos pa lamang ng pandemya, dahil marami ang nawala at mga karanasan ko sa kasagsagan at pagkatapos ng pandemya.

    Napansin kong sa bagong kurikulum na ipinatupad ng gobyerno, mas naging advance ito kaysa sa mga nakaraang kurikulum, gayunpaman malaki rin ang adjustment na kailangan kong i-adjust para makasabay o maintindihan ang bagong kurikulum na ito. 

    Marami ang natuwa sa bagong panukalang ito, ngunit ako ay umaalma sa ganitong panukala dahil hindi lang nabwasan ang oras namin sa tanghalian, kundi mayroon ng sariling oras ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) na dati ay tuwing huwebes at biyernes lamang, ngunit dahil sa bagong kurikulum ay may sariling oras na ito sa araw ng pasukan ng mga mag-aaral.

    Kinakailangan rin ng mga estudyante na kagaya ko ang sapat na panahon para masanay sa ganitong klase ng pagbabago sa paaralan.

    Sa ngayon ay nakakasabay at nasasanay na ako sa ganitong uri ng set-up sa aming paaralan, hindi man ako talagang sanay ay pinipilit kong makasabay sa pagbabagong nangyayari sa aking paligid o sa paaralan.

    Ngayon ay nahihirapan man sa ibang asignatura ay hindi parin ito naging hadlang para makasabay sa mga pagbabago at matutu ng iba pang aralin.

    Kailangan ko na lang sigurong bigyang pansin kung paano ko mas mapopokus ang aking sarili at mas maintindihan ang mga ito para rin ay mas masanay ako sa bagong kurikulum na ipinatupad ng ating gobyerno.

  • Karahasan at pang-aapi, nararapat nang maglaho

    Ang pang-aabuso at ay isang napapanahong isyu na kinakabahala ng nakararami, isa itong pag-uugaling dapat mawala o mahinto, dahil hindi ng iilan ang naapektuhan nito, kundi ay marami na hindi nakakatuwang isipin.

    Nararapat lang talagang mahinto ang ganting kaugalian, dahil minsan ito ay isa rin sa mga dahilan ng paglobo ng kaso ng mga nagpapakamatay, at para sa akin nakakatuwang isipin kung wala ang karahasan sa kahit saan mang panig ng mundo.

    Noong ako ay bata pa kasi ay nakaranas na akong ng bullying dahil sa ako raw ay mataba, ngunit dahil nga ako ay bata pa hindi ko mun ito pinansin habang sa tumatagal ay napapasok na sa aking isipan ang ganitong klase ng diskriminasyon, dahilan para ako ay makaranas ng anxiety.

    Hindi ko hinayaang lamunin ako ng diskriminasyon, kaya ginamit ko ito bilang inspirasyon na kahit mataba ako ay marami parin akong na kakamit na mga pangarap at parangal sa kabila ng diskriminasyon o pangugutya sa akin ng ibang tao.

    Dapat rin nating ipaklat ang mga kaalamang ganito at ipakita ang kabutihan para mas lumago at umayos ang ating bayan at maging ang pagkakaroon ng payapa at kampanteng puso’t isipan.

    Para sa akin hindi natin kailangang patunayan ang halaga at sarili natin sa ibang tao, dahil dito nag sisimula ang pagiging matapang natin kung kilala natin ang ating at alam natin ang sarili nating halaga. 

    Kinakailangan talaga ng sapat na pagtututok sa mga kabataan o kahit sino mang nakakaranas ng ganitong paggtrato, dahil baka humantong lamang ito sa wala. 

    Kailangan talagang ipa-kalat o magbigay alam ang mga taong may alam o turuan sila sa mga ganitong karanasan para maituro rin nila sa iba.

    Kung ako ang masusunod ay pipiliin kong ipatigil ng ganitong mga paguugali bigyang sulosyon ang ganitong problema, at makipag-ugnayan sa mga taong nakakaranas ng ganito o ang mga tao mismong gumagawa nito para matanung ang kani-kanilang mga panig.

  • Kapootang panlahi sa loob ng paaralan 

    Kasalukuyang kinakaharap ng mga estudyante ngayon ang kapootang panlahi o racism sa loob ng paaralan o silid aralan, isa ito sa nakikitang isyu ng pamahalaan sa loob mismo ng ikalawang tahanan ng mga mag-aaral. Racism o kapootang panlipunan ay isang kaugalian na hindi dapat isawalang bahala dahil kapag lumala ito at mapapabayaan lang maaring itong mas lumala o humantong pa sa pambubully o higit pa. Isa itong isyu na dapat malaman ng mga kabataan o ng mga tao, dahil hindi ito basta basta lang, ito ay isang paguugaling dapat na mahinto.

    Maraming kaso na ang napapabalita sa mga kumikitil ng sarili nilang buhay na minsan ang dahilan ay racism, bullying, pang-aabuso at iba pang mga dahilan para kunin ng isang tao ang kanyang sariling buhay. Ang racism ay isa lamang sa mga dahilan ng pagkakaroon ng depresyon o anxiety ng isang indibidwal. Isa sa mga halimbawa ng racism sa loob ng silid aralan ay ang paglalagay ng label sa mga estudyante ng partikular na grupong etniko o kultura upang sila ay mapansin ayon sa mga stereotype sa halip na bilang mga indibidwal.

    Ang ganitong paguugali ay hindi nagugustuhan ng halos lahat, hindi lang dahil ito ay masama kundi nakakapagpabawas rin ito ng kompyansa sa sarili. Nais ipabatid ng mga mamamayan lalo na yung mga nakakaranas ng ganitong pang-aapi ay sana matutukan din ito ng gobyerno para aitigil ang ganitong klaseng pag uugali, ng sa ganon ay maging mapaya at maayos ang pag-aaral ng mga estudyante.

    Ayon sa isang estudyante “ dapat lang po talaga na matigil o maiwasan ang ganitong klase ng ugali po ng mga kabataan o kahit nino man po, kase kung magpapatuloy po ito hindi ko na lang po alam kung may kapayapaan pa ba tayong makikita.” na sinang-ayunan naman ng iba pang mag-aaral.

    “Siguro po eh sa mga magulang din po na disiplinahin din po nila ang kanilang mga anak at bigyan ng tamang pag-aalaga at palakihin ng maayos para hindi po maging mapangutya at magdiscriminate ng kapwa nila.” pahayag naman ng isang magulang.

    Huling nagbigay ng pahayag ay ang isang guro na nagsabing “ here po kasi school, kailangan na tayo ang nag-gu-guide sa mga students natin na hindi maging racist para maging maayos ang ugyanayan ng bawat isa.” saad nito, “ at kami rin pong mga guro ay nagtutulungan na mawakasan ang ganitong kaugalian sa loob ng paaralan.” dagdag pa nito.

  • Dapat na matapos ang manipulasyon sa presyo ng pagkain

    Ang kasalukuyang kalagayan ng ating pamilihan ng pagkain ay nabahiran ng kapansin-pansing kabiguan ng administrasyong ito na i-regulate at kontrolin ang talamak na kasakiman na ipinakita ng mga walang prinsipyong middlemen at retailer. Ang kapabayaan na ito ay nagbigay-daan sa mga oportunista na ito na patuloy na manipulahin ang mga presyo ng mahahalagang bilihin—bigas, karne, gulay, isda, at ngayon ay mga itlog—na ipinagkanulo ang tiwala ng mga mamimili na pinakamahirap na tinatamaan ng tumataas na gastos.

    Ang mga presyo ng farm gate ay nananatiling mababa habang ang mga retail na presyo sa mga merkado ay tumataas, isang hindi pangkaraniwang bagay na hinihimok hindi ng tunay na kakulangan sa suplay kundi ng ginawang hysteria—mga alingawngaw ng mga kakulangan, banta ng avian flu, at iba pang gawa-gawa. Ang nakaayos na pagmamanipula na ito, kung saan ang mga middlemen ay gumagamit ng hindi katimbang na kapangyarihan, ay naglalantad ng isang nakababahala na katotohanan: ang ating sistema ng pagkain ay ginagamit bilang isang sandata laban sa mismong mga mamamayan na dapat itong pakainin.

    Ang higit na nakakabahala ay ang mistulang kawalan ng gamit ng ating mga pambansang institusyon, partikular ang Department of Trade and Industry (DTI), ang Department of Agriculture (DA), ang Department of Interior and Local Government (DILG) na tila mas manonood kaysa mga enforcer sa krisis na ito. May tungkulin sa pagsubaybay sa mga paglabag, ang mga ahensyang ito ay nag-uulat lamang ng mga paglabag nang walang kinakailangang awtoridad na kumilos nang mapagpasya. Ang kanilang pagiging hindi epektibo ay nadagdagan pa ng nakakalito na hurisdiksyon na paghahati sa mga local government units (LGUs), na may prerogative na magsara ng mga establisyimento ngunit madalas na walang ginagawa sa harap ng tahasang pagtaas ng presyo. Hindi katanggap-tanggap na walang cohesive strategy o collaborative action plan sa pagitan ng national government at LGUs, na nagpapahintulot sa mga middlemen na gumana nang may virtual impunity.

    Ang ganitong uri ng burukratikong pagkalito ay lumilikha ng kapaligiran ng kawalan ng batas sa loob ng ating mga pamilihan ng pagkain. Ang mga middlemen at retailer ay umunlad sa kaguluhang ito, ang kanilang kasakiman ay hindi napigilan habang sinasamantala nila ang sistemang dapat magprotekta sa mga ordinaryong mamamayan mula sa pagsasamantala. Lumalawak ang paghihiwalay sa pagitan ng mga prodyuser at mga mamimili, na ang mga magsasaka ay kumikita ng kaunting kita habang ang mga mamimili ay nahaharap sa napakataas na presyo. Ito ay isang mabisyo na siklo ng hindi pagkakapantay-pantay na dapat matugunan kaagad.

    Nakikiusap kami sa aming mga pinuno na kilalanin ang pagkaapurahan ng sitwasyong ito. Panahon na para sa isang matatag na sama-samang pagsisikap ng DTI, DA, DILG at mga lokal na alkalde upang igiit ang kontrol sa manipulasyon ng presyo, ipatupad ang mga regulasyon na may tunay na layunin, at panagutin ang mga kumikita sa gastos ng mga mamimili. Lutasin ang iyong mga pagkakaiba sa “debolusyon” sa lalong madaling panahon, dahil sa pamamagitan lamang ng iyong mapagpasyang aksyon maaari naming buwagin ang nakabaon na mga sistemang ito na nagpapanatili ng hindi pagkakapantay-pantay at pagdurusa.

    Ang pagkabigong kumilos ngayon ay aabot sa isang matinding pagpapabaya sa tungkulin—isa na sa huli ay sisira sa tiwala ng publiko sa ating mga institusyon. Ang ating pamahalaan ay dapat maging kasingkahulugan ng pananagutan at pagiging patas sa halip na kasiyahan. Tumayo laban sa mga sakim na middlemen na ito; kumilos nang mapagpasyang protektahan ang ating mga magsasaka at mamimili; linangin ang isang sistema na inuuna ang kapakanan ng mga tao higit sa lahat. Ang oras para sa lip service ay lumipas na; oras na para sa tunay na pagbabago.

    Joy Belmonte: Transformative Leader ng QC!

    Kung mayroong isang opisyal ng Metro Manila LGU na namumukod-tangi sa iba, ito ay walang iba kundi si QC Mayor Joy Belmonte.

    Sa pagtingin sa kanyang pro-active QC LGU website, makikita ang nakakahilo na iskedyul halos 24/7 ng alkalde na umaasikaso sa lahat ng mahahalagang pangangailangan ng kanyang mahigit 3 milyong nagpapasalamat na residente.

    Ang kanyang dedikasyon, di-napapagod na diwa at hindi natitinag na pangako na iangat ang buhay ng kanyang mga nasasakupan ay nagniningning nang maliwanag sa pamamagitan ng iba’t ibang mga hakbangin na nagbibigay ng tulong sa kabuhayan, nagpapasinaya ng mahahalagang imprastraktura, at nagtatayo ng mga kinakailangang pasilidad pang-edukasyon habang binibigyang-priyoridad ang mga madalas na napapansin—mga impormal na settler.

    Kunin, halimbawa, nitong nakaraang linggo, ang kahanga-hangang programang Small Income Generating Assistance (SIGA), ay tumulong sa mahigit 370 QCitizens na may malaking pinansiyal na suporta upang mapalakas ang mga lokal na negosyo. Kamakailan, halos 600 solong magulang ang nakatanggap ng tulong pinansyal na idinisenyo upang makatulong na maibsan ang mga problema sa pananalapi at hikayatin ang pakikilahok sa mga programang napapanatiling kabuhayan. Ito ang uri ng taos-pusong suporta na nagpapaganda sa tela ng komunidad, na tinitiyak na walang maiiwan.  Ang pananaw ni Mayor Joy ay higit pa sa agarang tulong pinansyal — sinasaklaw nito ang paglago at seguridad sa hinaharap. Ang *Pangkabuhayang QC* program ay nagbibigay-daan sa mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang distrito na makatanggap ng karagdagang pondo at pagsasanay na naglalayong itaguyod ang napapanatiling mga kasanayan sa negosyo

    Ngunit ang mga residente ay hindi lamang tumatanggap ng tulong pinansyal; nasasaksihan din nila ang pagbabago sa kalagayan ng pamumuhay. Ang proyekto ng QCitizen Homes ay naging frontrunner sa pagtugon sa mga pangangailangan sa pabahay para sa mga pamilyang apektado ng mga pangunahing proyekto sa konstruksyon tulad ng Metro Manila Subway. Sa mga pagpapaunlad kabilang ang mga multi-purpose hall at child-friendly na kapaligiran, ito ay kumakatawan sa isang hakbang patungo sa isang mas maliwanag na hinaharap.

    Seal-proofing ang lungsod laban sa baha, nakita ng administrasyon ni Mayor Joy ang pagtatayo ng mahahalagang imprastraktura, tulad ng Kalamiong Creek Retaining Wall at ang “Detention basin” sa Palmera Phase 3 homes , Bgy Santa Monica.

    Sa edukasyon, walang tigil ang pagpapasinaya sa mga pasilidad tulad ng San Bartolome High School, Basement Bagbag Integrated High School, AMLAC Senior High School at Payatas C Elementary School. Bgy Sta. Lucia Multi-Purpose na gusali.

    Ang mga ospital tulad ng Rosario Maclang-Bautista sa IBP Road at Novaliches District hospital ay ginagawang solarized para sa energy efficiency. Isinasagawa ang mga bagong Parke kabilang ang SB BuenaPlaza park sa Bgy. Novaliches at ang pagkuha ng lupang pagtatayuan ng bagong pasilidad ng LGU sa Teresa Heights, Bgy Pasong Putik.

    Ang kanyang matapang at pare-parehong mga inobasyon ay napapansin hindi lamang dito kundi pati na rin sa buong mundo, mula sa kanyang huwarang libreng sakay ng QCitizens sa mga electric bus, Sunday Car-free Carefree Tomas Morato Avenue , at pagpapatupad ng calorie labeling ordinance upang suriin ang kalusugan at nutrisyon ng kanyang mga tao.  Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Quezon City ay isang modelo na ngayon para sa empowerment, sustainability, at community development sa kanyang pagpasok sa kanyang ikatlo at huling ikatlong termino sa Mayo.

    Sa konklusyon, isang bagay ang nananatiling malinaw: Si Mayor Joy Belmonte ay isang tunay na tagapagtaguyod para sa kanyang nagpapasalamat na mga nasasakupan—isang puwersang nag-aalaga na nakatuon sa kagalingan at pag-unlad ng ating patuloy na umuunlad na lungsod, sa kabila ng pagiging pinakamalaki at pinakamataong tao sa Metro Manila.

  • Nabigo ang agrikultura, nabigo ang estado

    Kumbinsido ako na ang ating mga pagkabigo bilang isang bansa ay higit sa lahat ay nagbabalik sa mga pagkabigo sa agrikultura. Matagal na rin akong kumbinsido na ang ating mga kabiguan sa agrikultura ay nagmumula sa mga kabiguan sa pamamahala at mga institusyon.

    Hindi ito kakulangan ng kaalaman at teknolohiya; mayroon pa rin tayong pinakamahuhusay na utak sa mga agham pang-agrikultura, at marami sa mga agricultural scientist ng ating mga kapitbahay ang nagsanay dito, lalo na sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños at sa International Rice Research Institute. Hindi ito mababang likas na kaloob. Ang ating mga lupa ay hindi gaanong mataba, at ang tubig para sa ating pangisdaan ay higit na sagana kaysa sa ating mga kapitbahay. Hindi ito kawalan ng kapangyarihan ng tao; Ang mga Pilipino, lalo na mula sa kanayunan, sa katunayan ay napipilitang maghanap ng kapaki-pakinabang na trabaho sa ibang bansa ng milyun-milyon. Oo, may disadvantage tayo sa pagkakalantad sa mga mapanirang bagyo, ngunit gayundin ang Vietnam, na, gayunpaman, ay nagmumula sa likuran at nauna sa atin sa pagganap sa bukid. Talagang mayroon tayong kung ano ang kinakailangan upang magkaroon ng sektor ng sakahan at pangisdaan na kasing dinamiko ng naabot ng ating mga mas maunlad na kapitbahay ngayon.

    Ang pagkakaiba sa ating mga kapitbahay ay nasa kung paano natin pinamahalaan at pinamahalaan ang sektor. Tingnan lamang ang kasaysayan ng ating burukrasya sa agrikultura ng mga iskandalo sa katiwalian, pampulitika at populist na paggawa ng desisyon, labis na top-down na pamamahala, at pangkalahatang kawalan ng bisa. Nang sa wakas ay hinirang ng Pangulo ang isang full-time na kalihim ng Departamento ng Agrikultura (DA) pagkatapos ng higit sa isang taon ng pag-ako mismo sa trabaho, mapagpakumbabang nag-alok ako ng hindi hinihinging payo sa column na ito, na buod sa tatlong salitang S: scale, support, at subsidiarity (“Sa ating bagong pinuno ng DA,” 11/7/23).

    Sa sukat, iminungkahi ko na kopyahin natin kung paano pinagsama-sama ng ating mga kapitbahay ang maliliit na sakahan sa mahusay na malalaking operating unit upang mapababa ang mga gastos sa pamamagitan ng economies of scale. Sa suporta, hinimok ko ang pagbabago mula sa pag-asa sa nagtatanggol na proteksyon sa kalakalan tungo sa agresibong pag-aalaga sa pamamagitan ng naaangkop na suporta para sa ating mga magsasaka tungo sa patuloy na pagpapabuti sa produktibidad at pandaigdigang kompetisyon. Sa subsidiarity, iminungkahi ko na ang DA ay lumayo sa top-down na pamumuno ngunit sa halip ay magtrabaho sa pamamagitan ng mga probinsya, na dapat kumuha ng responsibilidad at pananagutan para sa koordinasyon ng kanilang mga munisipalidad sa pagpapalakas ng mga magsasaka at mangingisda. Tinawag ko ng pansin kung paano inilunsad ng kanyang hinalinhan ang napaka-promising na Province-led Agriculture and Fisheries Extension System o Pafes, na lumalakas na. Ito ay nagpapatunay na isang mas mahusay na paraan upang maihatid ang pangalawang S ng suporta upang matulungan ang ating mga magsasaka na magkabalikat sa kanilang mga katapat sa Asean, at ihinto ang pagkatakot sa mga import ngunit sa halip ay tingnan ang mga ito bilang malusog na kumpetisyon upang panatilihin ang mga ito sa kanilang mga daliri. Sa bandang huli, ito ang magpapanatiling mababa sa ating mga presyo ng pagkain, magpapaunlad sa mga industriyang nakabatay sa agrikultura na mapagkumpitensya sa pag-export, at magsisiguro ng seguridad sa pagkain para sa ating mga mahihirap—gaya ng dati sa ating mga kapitbahay.

    Kailangan nating lahat na maunawaan ang kritikal na kahalagahan ng isang malakas na sektor ng sakahan sa natitirang bahagi ng ating ekonomiya at lipunan, lalo na ngayon na ang muling pagbangon ng inflation na dala ng mga presyo ng pagkain ay nag-uudyok ng malakas na panawagan para sa pagtaas ng sahod. Ang aming mga pagkabigo sa agrikultura ay humantong sa mas mataas na presyo ng pagkain kaysa sa aming mga kapitbahay, lalo na para sa aming pangunahing bilihin, ang aming pangunahing pasahod. Ang mas mahal na mga kalakal sa sahod, na tinukoy bilang ang mga pangangailangan na kailangan ng mga manggagawa upang mabuhay, ay nangangailangan ng sahod na mas mataas kaysa sa kailangan, at sa turn, ay nagpapahirap sa pag-akit ng mga pamumuhunan na lumilikha ng trabaho at nagpapababa ng kahirapan.

    Ang aming malawak na kahirapan at mataas na mga presyo ng pagkain ay humantong sa mataas na antas ng malubhang malnutrisyon ng bata at pagkabansot, at ang kanilang mga resulta ng mahinang kakayahan sa pag-iisip at pagkatuto ay pinagsama ang mga kabiguan ng ating nasirang sistema ng edukasyon. Hindi lamang ang mahinang estado ng edukasyon ay seryosong nagbabanta sa kalidad ng ating mga manggagawa sa hinaharap, ipinapaliwanag din nito ang kawalang-gulang sa pulitika na nagbubunga ng uri ng mga pinuno na patuloy nating binoto sa kapangyarihan. At ang mismong mga pinunong ito ang nagtutulak sa atin na palapit sa pagiging isang nabigong estado; hindi iilan ang naniniwala na tayo na.

    Noong nakaraang taon, ang pagganap ng agrikultura ay hindi maganda. Ang output at kita sa sektor ay patuloy na bumababa sa huling tatlong quarter, na nagtatapos sa kabuuang taunang pagbaba ng -1.6 porsyento, mula sa kasing lalim ng -9.3 porsyento sa tubo hanggang -1.2 porsyento sa pinya. Ngayon ay nakikita natin ang mga ulo ng balita sa paparating na kakulangan ng mga kamatis, itlog, at higit pa. Maginhawang sisihin ang masamang lagay ng panahon para sa matingkad na negatibong mga numero sa halos lahat ng ating iba’t ibang pananim, ngunit ang mga mapanirang bagyo ay palaging isang katotohanan ng buhay sa ating mga lugar ng sakahan. Ang patuloy na pagbaba sa pagganap ng sakahan ay tumutukoy sa sistematikong kahinaan. Gaya ng sinabi ng isang editoryal ng Inquirer noong Nobyembre, dapat nating “itigil ang pagsisi sa lagay ng panahon sa tuwing maglalagay ang sektor ng agrikultura ng isang malungkot na produksyon. May mga available na solusyon, ang problema lang ay hindi sila tinututukan ng gobyerno na may sapat na sigla at pondo.” (tingnan ang “Pinakamahinang link ng ekonomiya,” 11/11/24)

    At iyon, aking mga kaibigan, ang dahilan kung bakit marami ang naniniwala na ang ating bansa ay nabigo.

    —————-