Category: Isports

  • Laban at suporta para panalo ay mai-uwi na 

    Hindi basta-asta ang pakiipag laban sa Arnis nangangailangan ito ng determinasyon, pagpupursige at iba pa,hindi lang para manalo kung hindi ay para rin mai-uwi ang karangalan sa bayan, na batid kong hindi basta-bastang makakamtan sa isang iglap lang.

    Naniniwala akong kailangan ng mga Arnisador o iba pang mga atleta ng suporta hindi lang galing sa pamilya kundi maging sa mga mamamayan ng bayan nila, pamilya, minamahal, kaiigan at iba pa mga ytaong nagbibigay ng inspirasyon sa kanila.

    Noon man ay hindi ako sobrang tagahanga ng isports na ito, ay sinusuportahan ko parin sila, dahil hindi basta-basta ang pagsasanay na ginagawa nila masiguro lang ang silya patungo sa mga kompetisyon na magbibigay ng parangal, hindi lang sa kanila maging sa bayan din na dinadala nila.

    Ngayong isa na ako sa mga humahanga sa mga manlalaro na naglalaro, dahil hindi ng bilis ang kinakailangan nila, kundi pati na rin liski, lakas at iba pa na kailangang mapaunla ng mga manlalaro.

    Hindi ko man batid ang hirap na dinarannas nila, lalo na kapag nag-eensayo sila ay masasabing nakakapagod at mahirap talaga, kaya nais kong ipadama ang aking suporta sa kanila.

    Ako ay natutuwa sa mga nararating ng ating mga atleta at sa mga nakakamit nitong mga parangal, hindi nyo man ako kilala, suporta ko ay lubosan, ako ay saludo sa inyong katapangang ipaglaban at dalhin ang pangalan ng ating minamahal na bayan.

  • Hampas ng kapalaran 

    Katibayan ng paghampas, lakas, endurance, at liksi ang kailangan para maipanalo ang labanang walang kasiguraduhan. Maaring maging maayos ang takbo ng kapalaran kung ang pagsusumikap sa pag-eensayo ay nariyan. Hindi mo makakamit ang panalo kung determinasyon at pagsusumikap ay walang pursyento sa iyong pinaglalaban.

    Mabibilis na iwas ang dapat ipa malas para maka-iwas sa hampas, mga kalaban ay parang pagsubok na kailangang lampasan para maka-ahon at manalo sa labanan. Sa arnis nangangailangan ng matitibay at pasensya ng isipan para maka pokus sa hinaharap na laban.

    Buhay ay parang labanan, mga hampas ng kalaban ay dapat iwasan para makapagpatuloy sa laban, kinakailangang mapatalsik ang mga harang o hadlang kagaya ng mga inihahampas na problema ng buhay. Pagiging matatag ay isa sa mga dapat taglayin para matalo ang kinakaharap na kalaban.

    Mga problema ay dapat harapin at huwag hayaang malugmok sa mga hampas nitong problema, kundi ay kunin ang nabitawang sandata at magpatuloy sa labanan ng may pagsusumikap na matalo ang kalaban.

    Hindi man madali ang Arnis ay kinakaya parin ito ng mga Arnisador para mai-uwi ng karangalan sa bayan nila, sa buhay naman ng tao kinakailangan nating lumaban para sa huli ay maging matagumpay na hinaharap na ang sasalubong sa atin.

    Hindi na natin kailangan na umasa sa iba, kung minsan ay kailangan natin ng tulong nila pero kailangin rin nating magsumikap para mapaunlad natin ang ating sarili, kagaya na lamang sa Arnis na nariyan ang ating mga tagapagsanay para tayo at gabayan, ngunit kailangan rin nating kumilos para magtagumpay.

    Pagsusumikap, tiwala sa Diyos, sa sarili, at determinasyon lang ay maaari na nating makamit ang ating inaasam na tagumpay ng malampasan natin ang katunggali nating problema, ng sa ganon ay makapagpatuloy na tayo sa ating paglalakbay.

  • Lagao hinampas ang Mabuhay sa Pinweight category 43-47 kg, 2025, 2-1 

    GENERAL SANTOS CITY, Pilipinas – Walang pigil na hampas ang ipinamalas sa laban ng Arnis ang ng iskrimador ng Lagao ang iskrimador ng Mabuhay sa bisang 2-1 (5-2, 7-1, 6-1) dominado, sa ginanap na Pinweight Category 43-47 kg, ika-15 ng Pebrero, 2025 na ginanap sa gymnasium ng General Santos City National School of Arts and Trades (GSCNSAT).

    Matitibay na hampas ang ibinigay ni Steven Jay Bargo ng Lagao sa katunggaling si Bryan Khein Arnaiz ng Mabuhay sa ginanap na labanan ng Arnis, tinanghal naman panalo ang iskrimador ng Lagao na si Steven.

    Humakot ng sunod-sunod na puntos si Bryan isang labing-limang (15) taong gulang na Arnisador ng Mabuhay sa unang round ng laro na pinaluan ng 5-2 ang kalaban nito na nagdala para makamit ang panalo sa unang round ng laro.

    Nagbigay ng knee left at sunod-sunod na shoulder left na mga atake si Bryan at matapos mahulog ang padded stick ni Steven ay nabigyan ito ng foul at nagresulta ng dagdag na isang puntos sa kalaban nitong si Bryan

    Umarangkada at pinakitaan din ng 15 taong gulang na si Steven Khein Bargo ang arnisador ng Mabuhay sa ikalawang round at ipinamalas ang mga hampas na 7-1 sa labanan na hudyat ng pagkuha nito sa panalo kay Bryan mula sa unang round.

    Binigyan ng matitinding palo ng iskrimador ng Lagao ang katunggaling si Bryan at inilatag ang 7-1 na atake sa mga head strikes na pinakawalan nito; binigyan naman ng puntos ni Bryan si Steven matapos itong lumampas sa linya. 

    Hindi na pinalampas ni Steven ang pagkakataong manalo at hindi na hinayaang makabawi pa sa labanan si Bryan ng tarakan nito ng 6-1 na sunod-sunod na atake ang katunggali, na nangangahulugang si Steven na ang itatanghal na kampiyon sa nasabing laro. 

    Itinanghal na kampiyon ang Arnisador ng Lagao na si Steven Jay Bargo matapos ang labanan; umuwi namang talo ngunit masaya ang Arnisador ng Mabuhay na si Bryan Khein Arnaiz at tinapos ang labanan ng payapa.

  • Bola ng Paghihirap

    Ang pagiging atleta ay hindi basta-basta – pawis at dugo ang pinupuhunan nila para maipagpatuloy at manalo sa kompetisyong sinalihan at lalabanan nila. Determinasyon ay kailangan para makapagpatuloy at makikita naman talaga iyon sa mga atleta. Inspirasyon rin ay nandyan kagaya ng kanilang pamilya, mga ka-anak, kaibigan, at higit sa lahat ang kanilang mga minamahal sa buhay.

    Sa isports na basketbol ang kailangan para manalo ay ang pagkaka-isa, determinasyon, husay at galing, iilan lamang yan sa mga katangian na dapat taglayin ng mga baksetbolista para manalo. Ang ilan pa sa mga kailangan nila ay ang bili, lakas ng mga kalamnan, at lalim ng paghinga, para makatakbo at ma depensahan nila ang bola laban sa kanilang mga kalaban.

    Ang buhay ay para lang ding naglalaro ng baksetbol kung minsan ay talo, minsan naman ay talo, dahil sa isang labanan mayroon at mayroon talagang mangingibabaw at makikitaa mo ng galing at husay na katulad lang din sa pahayag na “may matatalo at may mananalo talaga sa laban.”, kung saan ay nangyayari sa totoong buhay.

    Mga teknik sa basketball ay isa sa pinaka mahirap gawin at kinakailangang gawin para manalo dahil ito ang nagiging susi para maabot ng mga basketbolista ang pagkapanalo mula sa katunggali nito, parang sa buhay ng isang tao kailangan mong gumawa ng mga teknik kung paano mo malalampasan at maipapanalo ang mga problemang ipinapasa ng mundo sayo.

    Hindi man madali ang buhay ay kailangan nating para masiguro na lahat ng problema ay malalampasan natin, hindi man sa lahat ng pagkakataon ay mananalo tayo ngunit kailangan parin nating subukan, kung matatalo man ay bumangon at mas maging matatag pa tayo sa mga laban na ating haharapin, kagaya ng mga manlalaro na bumabangon sa lahat ng pagkatalong natatamo nila att lumalaban ulit ng mas pinatibay pa.

    Hindi man sa lahat n bagay ay masasabi nating kaya natin, ngunit kailangan parin nating subukang labanan ito para makita natin kung makakaya ba talaga natin ito, kasi kug hindi natin susubukan hindi natin malalaman.

    Ang buhay ay walang kasiguraduhan kagaya sa paglalaro ng basketbol ay kailangan natin ng inspirasyon para makakilos, determinasyong ipanalo ang laban, at lakas na magpatuloy sa buhay.

  • Panalong Inuwi para sa bayan

    Ang pagkapanalo ng Pilipinas sa ginanap na laban ng Basketball Men`s Gold Medal Game ay nagdala ng tuwa sa akin, dahil sa tagal ng paghihintay na makamit ang ginto ay ibinigay na ng tadhana ang pagkakataon na masungkit ito ng ating mga manlalaro. Sa inuwing ginto ng kuponan ng Pilipinas o ang Gilas Pilipinas, nagdala ito ng labis na pagkatuwa sa akin at ipinagmamalaki ko ang panalong nai-uwi ng Gilas.

    Hindi naman ako isang solid at sobrang taga hanga ng larong Basketball naaaliw lamang akong manood nito.isa kasi ang Basketball sa parating pinapanuod ng aking ama sa telebisyon, dahilan para ma-enganyo ako sa panunuod nito. Batid ko sa sarli ko na sumisibong na at tumataas na ang interes ko sa larong Basketball.

    Hindi ko man masyadong kabisado ang kanilang mga tira ay makikita ko sa tuwing naglalaro sila sa loob ng Court o Gymnassium ay nakikitaan ko sila, sa mga mata nila ng lakas ng loob at ang determinasyong dala-dala nila para i-uwi ang ginto sa kanilang bayan at para patunayan narin na kaya nilang i-uwi ang ginto sa Pilipinas.

    Masasabi kong naging mahusay sa ginawang pag-eensayo ng mga manlalaro para mai-siguro na panalo tayo sa laban. Matagal ang proseso ng para maging ganap kang mahusay na manlalaro, makikita kong sa bawat galaw nila ay naka dikit parin rito ang pagod lalo na sa tumatarak nilang mga pawis, na nagpahanga at nagpabilib sa akin sa mga ipinapakita nilang katatagan.

    Suporta ko sa mga atleta lalo na sa larangan ng basketball ngayon ay lubos, hindi lang sa kanilang panalo kung hindi ay pati na rin sa kanilang pagkatalo dahil batid kong hindi lahat ng pagkakataon tayo ay mananalo sa mga laban na atig kinakaharap.

    Hindi ko man batid ang lahat ng paghihirap nila, ngunit batid at ramdam ko ang determinasyon nilang manalo at i-uwi ang parangal para sa bayan nilang manamahal. Isa lang ang masasabi ko sa ating mga atleta at iyan ay “huwag kang sumuko at patuloy mong ilaban at dalhin ang pangalan ng ating bayan.”Ang pagkapanalo ng Pilipinas sa ginanap na laban ng Basketball Men`s Gold Medal Game ay nagdala ng tuwa sa akin, dahil sa tagal ng paghihintay na makamit ang ginto ay ibinigay na ng tadhana ang pagkakataon na masungkit ito ng ating mga manlalaro. Sa inuwing ginto ng kuponan ng Pilipinas o ang Gilas Pilipinas, nagdala ito ng labis na pagkatuwa sa akin at ipinagmamalaki ko ang panalong nai-uwi ng Gilas.

    Hindi naman ako isang solid at sobrang taga hanga ng larong Basketball naaaliw lamang akong manood nito.isa kasi ang Basketball sa parating pinapanuod ng aking ama sa telebisyon, dahilan para ma-enganyo ako sa panunuod nito. Batid ko sa sarli ko na sumisibong na at tumataas na ang interes ko sa larong Basketball.

    Hindi ko man masyadong kabisado ang kanilang mga tira ay makikita ko sa tuwing naglalaro sila sa loob ng Court o Gymnassium ay nakikitaan ko sila, sa mga mata nila ng lakas ng loob at ang determinasyong dala-dala nila para i-uwi ang ginto sa kanilang bayan at para patunayan narin na kaya nilang i-uwi ang ginto sa Pilipinas.

    Masasabi kong naging mahusay sa ginawang pag-eensayo ng mga manlalaro para mai-siguro na panalo tayo sa laban. Matagal ang proseso ng para maging ganap kang mahusay na manlalaro, makikita kong sa bawat galaw nila ay naka dikit parin rito ang pagod lalo na sa tumatarak nilang mga pawis, na nagpahanga at nagpabilib sa akin sa mga ipinapakita nilang katatagan.

    Suporta ko sa mga atleta lalo na sa larangan ng basketball ngayon ay lubos, hindi lang sa kanilang panalo kung hindi ay pati na rin sa kanilang pagkatalo dahil batid kong hindi lahat ng pagkakataon tayo ay mananalo sa mga laban na atig kinakaharap.

    Hindi ko man batid ang lahat ng paghihirap nila, ngunit batid at ramdam ko ang determinasyon nilang manalo at i-uwi ang parangal para sa bayan nilang manamahal. Isa lang ang masasabi ko sa ating mga atleta at iyan ay “huwag kang sumuko at patuloy mong ilaban at dalhin ang pangalan ng ating bayan.”

  • Pilipinas, Nakamit ang Gintong medalya kontra Jordan, 3-1

    HANGZHOU, China – Tinapos ang laban ng Basketball Men’s Gold Medal Game ng mag shoot ang Pilipinas ng 70-60, (12-17, 19-14, 10-20, 19-19) na iskor kontra Jordan, dahilan para makamit nila at mai-uwi nila ang gintong medalya, ika-6 ng Oktubre, taong 2023 na ginanap sa Hangzhou Olympic Sports Centre Gymnasium.

    Umarangkada ang kuponn ng Gilas Pilipinas sa bakbakan nila ng Jordan, hindi na hinayaan ng Pilipinas na ma-agaw pa n Jordan ang tyansang mai-uwi ang gintong medalya mula sa labanan.

    Nagpakitang gilas kaagad sa labanan ang Pilipinas ng magtarak nina 3,9, at 18 ng 3 points shot kontra Jordan, dahilan sa para lumayo ang agwat ng kanilang mga iskor.

    Sinuportahan ng mga manlalaro na si 25 at 32  sa mg atinarak nitong tig 2 points shot; hindi pinaghinaan ng loob ang kuponan ng Jordan at hinabol pa ang agwat ng kanilang mga puntos, ngunit di na sila hinayaan pa ng kuponan ng Pilipinas.

    Bago tapusin ang labanan sa huling kwarter ng laro ay naghahabulan ang mga iskor ng bawa’t kuponan, ngunit mas nagibabaw ang galing ng mga manlalaro ng Pilipinas at nagtarak sila ng 50-60 na iskor sa labanan, daan para makuha nila ang ginto sa dulo ng labanan.

    Pinaataas ang iskor sa kuponan ng Pilipinas ng makashoot ito ng apat na beses na free throw sa laro at ibinigay ang iskor na 19-19 at sa final score na 60-70 sa pagitan ng dalawang kuponan.

    Binungadan ng mainit na labanan ng Pilpinas at Jordan ang unang kwarter ng laro at pinakitaan ng kanilang mga pangmalupitang tira ang kanilang mga salungat na nagtatrak sa iskor na 12-17 sa unang kwarter at dahilan para umangat ang kuponan ng Pilipinas at maangkin ang unang yugto.

    Ipinamalas sa ikalawang kwarter ng laban ng mga manlalaro ng Jordan ang kanilang matitibay na depensa matapos nitong mabawi ang pabor sa ikalawang kwarter ng laban.

    Nagtarak ang sa bakbakan ang kuponan ng Jordan sa ikalawang yugto ng 19-14 na nag-iwan ng 5 puntos na agwat nito sa kuponan ng Pilipinas.

    Natapos ang laro at itinanghal na kampeon ang Gilas Pilipinas na nagpadagungdong sa hiyawan ng mga taga suporta nito, dahil muli nang naibalik ang panalo s Pilipinas matapos ang mahabang paghihintay. 

    Pinanghinayangan man ng loob ang kuponan ng Pilipinas ay patuloy parin ang laban nito at nakipag kamay sa Pilipinas matapos ang bakbakan sa loob ng court.

  • Paghahanda para sa Medalyang makakamit

    Parangal, medalya at karangalan para sa dinadalang bayan, iilan sa mga layunin ng isang masikap at may determinasyong atleta, mga panalo’t parangal na sumisimbolo sa kanilang sipag, tiyaga, at determinsyon lalo na sa kasagsagan ng paghahanda.

    Dugo’t pawis ang naging puhunan, pamilya’t bayan ang naging sandigan’t inspirasyon para ipagpatuloy ang laban, sa paparating na mga kaganapan at pampalakasang tunggalian, sarili’y hinahanda para mai-uwi ang gintong medalya.

    Pagod man ay patuloy sa laban at bakbakan sa kanya-kanya nilang pampalakasan ang mga atletang determinado, maging sa gulong ng buhay, nagkakaugnay man minsa at umaayon ang tadhana ay hindi maiiwasan ang mga dagok na kinakailangang harapin at lampasan.

    Kahirapan man ay isa sa mga hadlang para hindi maituloy ng isang atleta ang laban, dahil hindi nila mabibili ang mga kagamitang kakailanganin nila para sa pagsasanay at iba pang pangangailangan ay hinanapan nila ito ng paraan mailaban lang ang pangarap nila, parang buhay ng isang tao, nangangailangan ng per para mabili ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.

    Diskriminasyon ay hindi maiiwasan, ngunit maaari natin itong maging inspirsyon para bumangon at ipakitang mali ang iniisip nilang wala tayong kaya, sa maraming paraan man kagaya ng mga alowance na atatanggap ng mga atleta, maging ang pag-uwi sa medalya.

    Pageensayo ay isa sa mga paraan para mapagbuti ang kanya-kanyang kakayahan ng mga atleta, ngunit kung minsan ay nangangailangan rin sila ng pahinga at suporta para magkaroon ng lakas na lumaban sa mga larong kanilang sasalihan, parang buhay, kailangan rin natin ng pahinga at taga-suporta para magkaroon ng lakas na magpatuloy.

    “Practice like you never win, and play like you never lose.” pahayag na iniwan ng isang atleta. 

  • Pagkatalo ay hindi hadlang para makamit ang Gintong inaasam

    Wala akong pake noon sa wrestling at iba pang isports na nilalaro ng mga atleta dahil hindi naman ako interesado at wala akong balak na magbigay ng interes dito, ngunit nung nakita ko kung paano sila nag eensayo binago nito ang aking pananaw sa mga larong isports.

    Dugo, pawis at kaluluwa, ganyan kung bigyan nila ng halaga ang kanilang pag eensayo kaya mas na enganyo akong pag-aralan at bigyan ng interes ang kanilang ginagawa sa kada paghahanda upang manalo sa mga paparating na labanan.

    Napag-isip-isip ko na bakit hindi ko bigyan ng pansin ang mga gantong bagay kaysa sa humilata na lang sa bahay at selpon ay paglaruan, kaya sinubukan kong manood kasama ang aking ama ng mga gantong isports sa telebisyon o sa selpon.

    Para sa akin na nagsisimula ng magbigay ng interes sa ganoong bagay ay nakikita at nararamdaman ko na ang determinasyon, pagod at paghihirap nila, kahit na ako’y nanonood lamang sa mga ginagawa nila. 

    Kung ako ang masusunod, maliban sa edukasyon ay mas pagkatutukan ang mga atletang lumalaban mapa dibisyon man dahil dito nila sinisimulan ang ang kanilang pag-angat at magbibigay rin ito sa kanila ng motibasyon na mas pag-igihin pa ang pagsasanay para manalo, di lang para sa sarili kundi para sa bayan.

    Noong una inaamin kong hindi ako interesado sa mga ganitong usapan, pero nung ako’y namulat sa hirap nila ay at nalaman ang mga nakamit nila sa iba’t ibang larangan at kategorya ay namangha at napabilib ako.

    Buo ang suportang ibinibigay ko ngayon sa mga wrestler at sa iba pan mga atleta lalo na at paparating na ang SOCCSKSARGEN Regional Athletic Association (SRAA) meet 2025.

  • Pagsubok bago ang Ginto

    Harang, pagsubok, problema at pagkalugmok, mga dinaranas ng mga manlalarong naghahanda para sa paparating na kompetisyon at para mai-uwi ang ginto at karangalan sa kinabibilangang lungsod o lalawigan.

    Ang buhay ay para ring pakikipagbakbakan sa loob ng ring na ginagawa ng mga wrestler, marami kang matatamong pasa mula sa mga problemang sasalubong sa iyo habang inilalaban mo ang buhay mo, pero sa bawat pagkatalo sa wrestling at natututong bumangon at nakakakuha ng mga aral ang mga wrestler na nangyayari rin sa buhay ng mga normal na tao, na sa bawat pagkalugmok ay may aral na binabaon sa bawat pagtayo at pagpapatuloy.

    Kagaya ng mga atleta, ensayo, kompetisyon, pagkapanalo at pagkabigo, na parang buhay lang ng isang normal na tao kung saan tuturuan sa mga kailangang gawin, may mga problemang darating, maaaring malagpasan o tuluyan ng mapapabagsak ng mga suliranin. 

    Matagalang paghahanda para maisakatuparan ang iplinanong tadhana na ang parangal at ginto ay maisusuot at maipakita.

    Ang buhay bilang isang atletang wrestler ay hindi basta-basta mga pasa sa katawan ay makikita, kinakailangan ng katatagan at katibayan lalo na sa paghinga, dahil baka ikaw ay mapatumba at himatayin sa loob ng arena. 

    Binabaon sa limot ang mga karanasang maaaring humila at magdala ng pagkatalo’t pagkabigo ngunit bina-baon ang mga aral na napulot mula sa napakasakit na pagkalugmok, para maipagpatuloy ang buhay sa pag-abot sa mga pangarap at para makapunta sa destinasyon na nais matunguhan at mapuntahan.

  • Malupitang bakbakan: lakas, pawis at dugo ang puhunan

    Bakbakang walang kasiguraduhan, sakit sa katawan ang aabutin kapag ika’y nakapasok sa bilog kung saan makikita kung hanggang saan ang kaya ng iyong katawan at ang tibay kung paano patalsikin ang kalaban.

    Patibayan ang labanan at pa angasan kung pa angasan basta huwag mag mayabang kung alam na ang resulta ay hindi mapapasa iyo, dahil tadhana ay maaaring mabago ng hindi natin inaasahan.

    Kadalasan mayroon dalawang layunin ang mga laro: ito ay isang paligsahan para sa mga atleta at isang spectacle para sa mga nanonood na parang ikot ng buhay kailangan mong ipaglaban para maipanalo ang bakbakan ngunit minsan ay kailangan mo lang sabayan para may mga taong hindi masaktan.

    Karanasan ay maaaring magamit sa pakikipag bakbakansa larangan ng wrestling, dahil buhay ay isang labanan na habang tumatagal sa dami ng iyong makakalabang karanasan ay mas lalo kang tumitibay.

    Buhay ay maraming hadlang maging ang wrestling sa pag abot ng titulo ikaw ay may haharaping matitibay at mababagsik na kalaban kagaya ng iyong mga karanasan. 

    Ang tanging isaalng-alang ay ang lumaban ng patas para tadhana at desisyon mo ay magbunga ng maaaring mas higit pa sa panalong iyong inaakalang matatamasa mo pala.