Category: Isports

  • Bakbakang walang kinakampihan

    Wrestling, isang larong hindi basta-basta at kung ano-ano lang, ito ay larong nangangailangan ng mahuhusay na taktika, mga  pagpapabuti at ang pageensayo sa paghinga maging ang tibay ng stamina.

    Matibay na loob at tiwala sa sariling matatalo ang kalaban ang dapat isa-isip kapag ikaw ay nasa loob ng labanan, pagkapanalo ay dapat makamtan, dahil di lang lakas ang puhonan kundi maging ang tiwala sa sarili.

    Behind the back, mapalabas sa ring/bilog, double leg attack, rolling, parterre, farmers carry at pin down ang iilan sa mga basic execution na dapat malaman ng isang wrestler.

    May iba’t ibang paraan rin para tukuyinn ang kanilang mga iskor kagaya ng thumbs up na nangangahulugan ng isang puntos, tsek naman kung dalawang puntios at apat na daliri kung apat na puntos.

    Isang putos kung ang atakeng na ginawa ng wrestler sa katunggaling wrestler ay behind the back at kung mapalabas nito sa bilog/ring ang kalaban; double leg attack, rolling, at parterre naman ay may katunbas ba dalawang puntos; apat na puntos naman kung farmers carry at limang puntos naman kung pin down.

    Mga larong nangangailangan ng focus at pag-oobserba sa maaring gagawing susunod na atake ng kasalungat para makontra at malabanan ang mga atakeng gagawin nito, para rin matalo mo ang kabakbakan.

  • TINUMBA! Pinatumba sa Wrestling ni Alexander ang kontra nitong si Lance, 1-0

    GENERAL SANTOS CITY, Pilipinas – Napatumba mula sa naganap na bakbakan ng wrestling ni Alexander Wago si Lance Pates sa bisa na 1-0 dominado, ika-25 ng Enero sa General Santos City National Secondary School of Arts and Trades,  Alexander pinwestuhan ang upuan tungong SOCCKSARGEN Regional Athletics Association (SRAA)  meet 2025

    Kalmadong sinimulan ang labanan ng biglang naging mala Osong gutom ang defending champion na si Alexander matapos nyang bigyan ng behind the back na atake si Lance.

    Sinabayan naman sa rambulan ni Lance ang pagka agresibo ni Alexander at sinubukan itong patumbahin ng maunahan sya ni Alexander at muling binigyan ng rolling attack si Pates na nag nangangahulugang nadagdagan ito ng puntos at nalamangan nito si Pates.

    Patuloy ang bakbakan ng dalawang manlalaro at nag iwan si Alexander ng agwat na 3-0 ipinagpatuloy naman nila ang labanan at muling makatanggap ng atake si Pates.

    Matapos muntik maka alis sa butas ni Pates saka naman sya pinigilan ni Wago at pinatikim ng pin down na atake hudyat ng pagka panalo nito sa labanan. 

    Nadepensahan ng defending champion ang kanyang titulo dahil sa kanyang estratihiya at ayon pa rito ang kanyang ginawang preperasyon raw ay “ training…nagkaon para naay energy.”

    Nais raw ni Alexander na makalaro at manalo sa Palarong Pambansa kaya sinisikap nyang mag ensayo at magpalakas ng katawan.

    Sabi pa ng 15 anyos na si Alexander ay “ Kung mahadlok ka sa kalaban mapildi gyud ka.” at ang mga ginagawa nya pa raw ay “jogging, stretching, pray” para manalo sa labanan

    Ayon pa sa trainor nito na si Gil Gomez “Ang among gina prepare karon kay ang strength.” “more ano pa gyud ah techniques, improvement sa stamina mao na among gina kuan, kumbaga doble ang among gina buhat karon kay ang among kalaban mga datihan na.”