Ang Banoy

Rally sa Edsa binatikos ang kawalang-aksyon sa impeachment ni VP Sara Duterte

Sinisisi ng mga grupo na nagtutulak ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ang Ka...
Home » Rally sa Edsa binatikos ang kawalang-aksyon sa impeachment ni VP Sara Duterte

Sinisisi ng mga grupo na nagtutulak ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ang Kapulungan ng mga Kinatawan at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkaantala ng hakbang upang tanggalin siya sa puwesto dahil sa mga akusasyong lumabag siya sa Konstitusyon.

Si Akbayan Rep. Perci Cendaña, na nagsulong ng isa sa tatlong impeachment complaints laban kay Duterte, ay tinawag na “kaduwagan” ang ginagawa ng liderato ng Kamara sa tila pagpapabayaan sa mga reklamo.

“Dumating na ang oras upang kumilos nang may paninindigan at tuluyang i-impeach ang pangalawang pangulo,” sinabi ni Cendaña sa harap ng 10,000 katao na nagtipon sa Edsa Shrine sa isang rally para sa pagpapatalsik kay Duterte. “Habang nananatili siya sa kapangyarihan, hinahayaan nating mamayani ang korapsyon sa ating gobyerno.”

Ipinahayag ni Cendaña ang kanyang pagkadismaya sa hindi pag-aksyon ng Kamara sa mga impeachment complaints. Ang unang reklamong kanyang inendorso ay inihain noong Disyembre 2, 2024.

“Ano na ang petsa ngayon?” aniya. “Halos tapos na ang Enero ngunit wala pa ring kilos ang Kongreso sa mga reklamo. Hahayaan na lang ba nitong matakot at matalo sa harap ni Sara at ng kanyang mga chichiryang palusot?”

Nanawagan siya sa mga kapwa mambabatas na unahin ang “ating moral at pambansang obligasyon, hindi ang ating pangamba sa nalalapit na halalan,” aniya, na tumutukoy sa midterm elections sa Mayo.

More Articles

Scavenger Hunt!

In the youth camp, a quick pop-up event happened! it was a surprise scavenger hunt, it was only two minutes, and I was running all over the place, I only…
Read more

Lumalapit na opurtunidad 

Alternative Learning System (ALS), isang programang si Senator Win Gatchalian ang may akda at sponsor, kung saan nabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga kababayan natin. Dahil sa tumataas na dropout…
Read more

Subscribe Our Newsletter For Excited Offers

  • J.P. Rizal Street, Purok Maliwanag, General Santos City, 9500
  • info@banoybalita.com
  • (083) 552 3842
Copyright © 2025 Banoy Balita

Maging alisto sa mga napapanahong balita!

Maging miyembro ng Ang Banoy!