
Kurikular na pinatatag ba talaga ang ipinatupad ng gobyerno o kurikular na mas pinahirap? Bilang isang mag-aaral mahirap para sa akin na mag-adjust kaagad lalo na nung kakatapos pa lamang ng pandemya, dahil marami ang nawala at mga karanasan ko sa kasagsagan at pagkatapos ng pandemya.
Napansin kong sa bagong kurikulum na ipinatupad ng gobyerno, mas naging advance ito kaysa sa mga nakaraang kurikulum, gayunpaman malaki rin ang adjustment na kailangan kong i-adjust para makasabay o maintindihan ang bagong kurikulum na ito.
Marami ang natuwa sa bagong panukalang ito, ngunit ako ay umaalma sa ganitong panukala dahil hindi lang nabwasan ang oras namin sa tanghalian, kundi mayroon ng sariling oras ang Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) na dati ay tuwing huwebes at biyernes lamang, ngunit dahil sa bagong kurikulum ay may sariling oras na ito sa araw ng pasukan ng mga mag-aaral.
Kinakailangan rin ng mga estudyante na kagaya ko ang sapat na panahon para masanay sa ganitong klase ng pagbabago sa paaralan.
Sa ngayon ay nakakasabay at nasasanay na ako sa ganitong uri ng set-up sa aming paaralan, hindi man ako talagang sanay ay pinipilit kong makasabay sa pagbabagong nangyayari sa aking paligid o sa paaralan.
Ngayon ay nahihirapan man sa ibang asignatura ay hindi parin ito naging hadlang para makasabay sa mga pagbabago at matutu ng iba pang aralin.
Kailangan ko na lang sigurong bigyang pansin kung paano ko mas mapopokus ang aking sarili at mas maintindihan ang mga ito para rin ay mas masanay ako sa bagong kurikulum na ipinatupad ng ating gobyerno.