
Ang pagkapanalo ng Pilipinas sa ginanap na laban ng Basketball Men`s Gold Medal Game ay nagdala ng tuwa sa akin, dahil sa tagal ng paghihintay na makamit ang ginto ay ibinigay na ng tadhana ang pagkakataon na masungkit ito ng ating mga manlalaro. Sa inuwing ginto ng kuponan ng Pilipinas o ang Gilas Pilipinas, nagdala ito ng labis na pagkatuwa sa akin at ipinagmamalaki ko ang panalong nai-uwi ng Gilas.
Hindi naman ako isang solid at sobrang taga hanga ng larong Basketball naaaliw lamang akong manood nito.isa kasi ang Basketball sa parating pinapanuod ng aking ama sa telebisyon, dahilan para ma-enganyo ako sa panunuod nito. Batid ko sa sarli ko na sumisibong na at tumataas na ang interes ko sa larong Basketball.
Hindi ko man masyadong kabisado ang kanilang mga tira ay makikita ko sa tuwing naglalaro sila sa loob ng Court o Gymnassium ay nakikitaan ko sila, sa mga mata nila ng lakas ng loob at ang determinasyong dala-dala nila para i-uwi ang ginto sa kanilang bayan at para patunayan narin na kaya nilang i-uwi ang ginto sa Pilipinas.
Masasabi kong naging mahusay sa ginawang pag-eensayo ng mga manlalaro para mai-siguro na panalo tayo sa laban. Matagal ang proseso ng para maging ganap kang mahusay na manlalaro, makikita kong sa bawat galaw nila ay naka dikit parin rito ang pagod lalo na sa tumatarak nilang mga pawis, na nagpahanga at nagpabilib sa akin sa mga ipinapakita nilang katatagan.
Suporta ko sa mga atleta lalo na sa larangan ng basketball ngayon ay lubos, hindi lang sa kanilang panalo kung hindi ay pati na rin sa kanilang pagkatalo dahil batid kong hindi lahat ng pagkakataon tayo ay mananalo sa mga laban na atig kinakaharap.
Hindi ko man batid ang lahat ng paghihirap nila, ngunit batid at ramdam ko ang determinasyon nilang manalo at i-uwi ang parangal para sa bayan nilang manamahal. Isa lang ang masasabi ko sa ating mga atleta at iyan ay “huwag kang sumuko at patuloy mong ilaban at dalhin ang pangalan ng ating bayan.”Ang pagkapanalo ng Pilipinas sa ginanap na laban ng Basketball Men`s Gold Medal Game ay nagdala ng tuwa sa akin, dahil sa tagal ng paghihintay na makamit ang ginto ay ibinigay na ng tadhana ang pagkakataon na masungkit ito ng ating mga manlalaro. Sa inuwing ginto ng kuponan ng Pilipinas o ang Gilas Pilipinas, nagdala ito ng labis na pagkatuwa sa akin at ipinagmamalaki ko ang panalong nai-uwi ng Gilas.
Hindi naman ako isang solid at sobrang taga hanga ng larong Basketball naaaliw lamang akong manood nito.isa kasi ang Basketball sa parating pinapanuod ng aking ama sa telebisyon, dahilan para ma-enganyo ako sa panunuod nito. Batid ko sa sarli ko na sumisibong na at tumataas na ang interes ko sa larong Basketball.
Hindi ko man masyadong kabisado ang kanilang mga tira ay makikita ko sa tuwing naglalaro sila sa loob ng Court o Gymnassium ay nakikitaan ko sila, sa mga mata nila ng lakas ng loob at ang determinasyong dala-dala nila para i-uwi ang ginto sa kanilang bayan at para patunayan narin na kaya nilang i-uwi ang ginto sa Pilipinas.
Masasabi kong naging mahusay sa ginawang pag-eensayo ng mga manlalaro para mai-siguro na panalo tayo sa laban. Matagal ang proseso ng para maging ganap kang mahusay na manlalaro, makikita kong sa bawat galaw nila ay naka dikit parin rito ang pagod lalo na sa tumatarak nilang mga pawis, na nagpahanga at nagpabilib sa akin sa mga ipinapakita nilang katatagan.
Suporta ko sa mga atleta lalo na sa larangan ng basketball ngayon ay lubos, hindi lang sa kanilang panalo kung hindi ay pati na rin sa kanilang pagkatalo dahil batid kong hindi lahat ng pagkakataon tayo ay mananalo sa mga laban na atig kinakaharap.
Hindi ko man batid ang lahat ng paghihirap nila, ngunit batid at ramdam ko ang determinasyon nilang manalo at i-uwi ang parangal para sa bayan nilang manamahal. Isa lang ang masasabi ko sa ating mga atleta at iyan ay “huwag kang sumuko at patuloy mong ilaban at dalhin ang pangalan ng ating bayan.”