
Ikinababahala ngayon ng marami lalo na ng mga magulang ang teenage pregnancy sa Pilipinas na mas lalong lumolobo sa paglipas ng panahon. Isinusulong sa ngayon sa senado ang pagsasabatas sa Senate Bill 1979 o Prevention of Adolescent Pregnancies Bill. Ayon sa may akda ng panukala na si Senator Risa Hontiveros, layon nitong maiwasan ang maagang pagbubuntis ng kabataan o adolescent pregnancy.
Ayon sa pag-aaral dumarami na ang bilang nga mga batang nabubuntis, mga kabataang nasa edad 10 hanggang 14 na taong gulang. Bukod sa epekto ng maagang pagbubuntis sa buhay ng mga nakararanas nito, malaki rin umano ang epekto sa ekonomiya ng dumaraming bilang ng teen pregnancy. Ayon sa isang eksperto na kapag nabuntis ang isang indibidwal ng wala pa sa angkop na edad o legal age ay maaaring may masamang mangyari sa sanggol at sa ina ng bata na maaaring humantong sa pagkamatay.
Ilan sa tinitingnang dahilan kung bakit nabubuntis ang isang menor de edad ay ang tukso, pornograpiya, pagiging hindi mulat sa katotohanan, biktima ng rape, at ang pakikipaginuman. Ang pagiging mulat at pagiging maalam sa mga ganitong bagay ay nararapat lalo na sa mga kabataan, hindi lang para mabawasan at maiwasan ang kaso ng teenage pregnancy sa Pilipinas kundi para rin mapangalagaan ang kinabukasan ng mga kabataan. “Siguro po other than dapat matutu kaming mga kabataan sa mga ganitong paksa o issue ay yung parents din po na i-guide po nila yung mga anak nila po.” ani ng isang estudyante.
Maaaring maghirap ang pamilya at ang bata kung maagang mabubuntis ang ina neto at may posibilidad na hindi neto magampanan ng maayos ang responsibilidad na natanggap nito o ang pagiging magulang sa murang edad. Hindi lang ang bata yung mamomroblema kundi pati din yung magulang at ang pamilya ng mga bata, kasi baka kung anong mangyari sa dalawa lalo pa’t maaaring di kayanin ng bata ang paglalabas ng sanggol sa kanyang sinapupunan. “Dapat po tutukan din ng mga magulang ang kanilang mga anak at dapat rin po sigurong i-check nila ito para malaman ang nangyayari sa mga anak nila” saad ng isang nababahalang mamamayan.
Ang gobyerno ay umaaksyon na din sa lumolobong kaso nito ngunit ang tanong ng iilan ay kailan pa sila kikilos? Kung saan ba tumaas pa ang kaso ng mga bnabubuntis sa murang edad? Nananawagan ang mga mamamayan sa gobyerno na sana ay maipasa sa DepEd ang tungkol rito at ng sa ganon ay mamulat ang mga kabataan patungkol rito.”Teen pregnancy costs a young mother as high as ₱83,000 a year, with NEDA (National Economic and Development Authority) estimating that the Philippine economy loses as much as ₱42 billion in lifetime income. These macro level numbers are easy to quantify, but for our young parents, their losses may be incalculable in terms of lost opportunities or missed chances,” Ayon pa kay Senator Risa Hontiveros
Sa lumolobong kaso ng teenage pregnancy hindi mawawala ang pagkabahala ng mga mamamayan lalo napara sa kanilang mga anak, kaya ang hiling rin ng gobyerno sa mga mamamayan at mga magulang ay palaging gabayan at turuan ang kanilang mga anak patungkol sa ganitong usapin ng sa ganon ay maiwasan at matigil ang ganitong uri ng kaso. Isa sa mga pinaka batang ina sa Pilipinas ay ang onse (11) na dalaga sa Mindanao na itinago sa pangalang “Baby”, sampung taong gulang pa lamang si Baby ng mabuntis ito ng kanyang pinsan nito na disesyete (17) lamang na si Abdul. Sabi ni Baby ang karanasan sanang ito ay magbigay aral sa mga kabataan na hindi ako tularan.”.