Ang Banoy

Nanatili sa 2.9% ang inflation ngayong Enero

Nanatiling nasa 2.9 porsyento ang inflation noong Enero, kapareho ng naitalang antas noong Disyembre...
Home » Nanatili sa 2.9% ang inflation ngayong Enero

Nanatiling nasa 2.9 porsyento ang inflation noong Enero, kapareho ng naitalang antas noong Disyembre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes. 

Ang pagbaba ng presyo ng bigas ang nagbawas sa epekto ng pagtaas ng presyo ng ibang pagkain at utility services.

Gayunman, bahagyang mas mataas ang inflation noong Enero kumpara sa 2.8 porsyentong median estimate ng 14 ekonomistang tinanong ng Inquirer noong nakaraang linggo.

Pasok pa rin ito sa itinakdang forecast range ng Bangko Sentral na 2.5 hanggang 3.5 porsyento para sa nakaraang buwan.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, tumaas ang presyo ng mga pagkain gaya ng kamatis, baboy, at galunggong, na nag-ambag sa inflation. Tumaas din ang upa sa bahay, bayad sa tubig, at presyo ng LPG.

Samantala, bumaba naman ng -2.3 porsyento ang presyo ng bigas, na siyang nagpabawas sa pagtaas ng presyo ng ibang bilihin.

More Articles

Scavenger Hunt!

In the youth camp, a quick pop-up event happened! it was a surprise scavenger hunt, it was only two minutes, and I was running all over the place, I only…
Read more

Lumalapit na opurtunidad 

Alternative Learning System (ALS), isang programang si Senator Win Gatchalian ang may akda at sponsor, kung saan nabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga kababayan natin. Dahil sa tumataas na dropout…
Read more

Subscribe Our Newsletter For Excited Offers

  • J.P. Rizal Street, Purok Maliwanag, General Santos City, 9500
  • info@banoybalita.com
  • (083) 552 3842
Copyright © 2025 Banoy Balita

Maging alisto sa mga napapanahong balita!

Maging miyembro ng Ang Banoy!