
Parangal, medalya at karangalan para sa dinadalang bayan, iilan sa mga layunin ng isang masikap at may determinasyong atleta, mga panalo’t parangal na sumisimbolo sa kanilang sipag, tiyaga, at determinsyon lalo na sa kasagsagan ng paghahanda.
Dugo’t pawis ang naging puhunan, pamilya’t bayan ang naging sandigan’t inspirasyon para ipagpatuloy ang laban, sa paparating na mga kaganapan at pampalakasang tunggalian, sarili’y hinahanda para mai-uwi ang gintong medalya.
Pagod man ay patuloy sa laban at bakbakan sa kanya-kanya nilang pampalakasan ang mga atletang determinado, maging sa gulong ng buhay, nagkakaugnay man minsa at umaayon ang tadhana ay hindi maiiwasan ang mga dagok na kinakailangang harapin at lampasan.
Kahirapan man ay isa sa mga hadlang para hindi maituloy ng isang atleta ang laban, dahil hindi nila mabibili ang mga kagamitang kakailanganin nila para sa pagsasanay at iba pang pangangailangan ay hinanapan nila ito ng paraan mailaban lang ang pangarap nila, parang buhay ng isang tao, nangangailangan ng per para mabili ang pang-araw-araw nilang pangangailangan.
Diskriminasyon ay hindi maiiwasan, ngunit maaari natin itong maging inspirsyon para bumangon at ipakitang mali ang iniisip nilang wala tayong kaya, sa maraming paraan man kagaya ng mga alowance na atatanggap ng mga atleta, maging ang pag-uwi sa medalya.
Pageensayo ay isa sa mga paraan para mapagbuti ang kanya-kanyang kakayahan ng mga atleta, ngunit kung minsan ay nangangailangan rin sila ng pahinga at suporta para magkaroon ng lakas na lumaban sa mga larong kanilang sasalihan, parang buhay, kailangan rin natin ng pahinga at taga-suporta para magkaroon ng lakas na magpatuloy.
“Practice like you never win, and play like you never lose.” pahayag na iniwan ng isang atleta.