Ang Banoy

Malupitang bakbakan: lakas, pawis at dugo ang puhunan

Bakbakang walang kasiguraduhan, sakit sa katawan ang aabutin kapag ika’y nakapasok sa bilog kung saa...
Home » Malupitang bakbakan: lakas, pawis at dugo ang puhunan

Bakbakang walang kasiguraduhan, sakit sa katawan ang aabutin kapag ika’y nakapasok sa bilog kung saan makikita kung hanggang saan ang kaya ng iyong katawan at ang tibay kung paano patalsikin ang kalaban.

Patibayan ang labanan at pa angasan kung pa angasan basta huwag mag mayabang kung alam na ang resulta ay hindi mapapasa iyo, dahil tadhana ay maaaring mabago ng hindi natin inaasahan.

Kadalasan mayroon dalawang layunin ang mga laro: ito ay isang paligsahan para sa mga atleta at isang spectacle para sa mga nanonood na parang ikot ng buhay kailangan mong ipaglaban para maipanalo ang bakbakan ngunit minsan ay kailangan mo lang sabayan para may mga taong hindi masaktan.

Karanasan ay maaaring magamit sa pakikipag bakbakansa larangan ng wrestling, dahil buhay ay isang labanan na habang tumatagal sa dami ng iyong makakalabang karanasan ay mas lalo kang tumitibay.

Buhay ay maraming hadlang maging ang wrestling sa pag abot ng titulo ikaw ay may haharaping matitibay at mababagsik na kalaban kagaya ng iyong mga karanasan. 

Ang tanging isaalng-alang ay ang lumaban ng patas para tadhana at desisyon mo ay magbunga ng maaaring mas higit pa sa panalong iyong inaakalang matatamasa mo pala.

More Articles

Scavenger Hunt!

In the youth camp, a quick pop-up event happened! it was a surprise scavenger hunt, it was only two minutes, and I was running all over the place, I only…
Read more

Lumalapit na opurtunidad 

Alternative Learning System (ALS), isang programang si Senator Win Gatchalian ang may akda at sponsor, kung saan nabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga kababayan natin. Dahil sa tumataas na dropout…
Read more

Subscribe Our Newsletter For Excited Offers

  • J.P. Rizal Street, Purok Maliwanag, General Santos City, 9500
  • info@banoybalita.com
  • (083) 552 3842
Copyright © 2025 Banoy Balita

Maging alisto sa mga napapanahong balita!

Maging miyembro ng Ang Banoy!