Alternative Learning System (ALS), isang programang si Senator Win Gatchalian ang may akda at sponsor, kung saan nabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga kababayan natin. Dahil sa tumataas na dropout cases na bilang ng mga mag-aaral, hinimok ni Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na bigyang tugon ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas sa ALS.
Nagagalak ako sa nga opurtunidad na ibinibigay ng programan sa mga mag-aaral na nakakapagtapos dito, ngunit nalulungkot rin sa rami ng mga nagda-dropout rito. Sana maipagpatuloy ang programa ng mas marami pa ang matulungan at mabigyang nito ng mas magandang kinabukasan. Nung una, hindi pa ako masyadong mulat sa ganitong kaisipan, wala akong pake ang gusto ko lang ang matapos ko kung ano man ang gusto ko, ngunit ngayong nalaman at naging bukas ako sa aking paligid naoagtanto kong dapat talagang mabigyang ng pansin at tulong ang mga kapwa ko rin estudyante na nais makapagtapos ng pag-aaral.
Tuning nakikita ko ang determinasyon at pagsisikap ng kapwa ko estudyante, natutuwa ako dahil may mga opurtunidad at pagkakataong kagaya nito na hindi rin nila sinasayang, ipinamamalaki’t nakakatuwang isipin ang pagpupursigeng ginagawa nila. Dahil sa batas na Alternative Learning System Act” (Republic Act No. 11510) nabibigyabg sila ng magandang at ikalawang opurtunidad na makapag-aral lalo na yung mga out-of-school children in special cases, pati na rin ang mga nakakatandang mag-aaral, kanilang ang mga indigenous peoples. Kabilang sa mga out-of-school children in special cases ang mga mag-aaral na may kapansanan, children in conflict with the law, at nga kabataang nasa gitna ng mga sakuna.
Ito ay isang magandang opurtunidad na hindi dapat sayangin, kung kaya’t kung maykakilala ako, minumungkahi ko sa kaniya/kanila ang mga maaari nilang matanggap sa ilalim ng programa, ng sa ganoon, makaktulong at makapag-enroll sila ng matulungan rin sila ng gobrmyerno. Para sa akin, mas napapa-unlad pa ang programa kung ito ay nakakarating sa mga taong nasa bundok na nais makapag-aral o nais makaranas na makapag-aral, hindi lang mapapataas ang bilang ng mga nakakapagtapos sa programa, kundi marami rin ang matutulungan nitong mga kababayan. Mas mabuting matulungan tayo para maipakalat at maihatid ang ganitong opurtunidad sa nga kapwa nating nakatira sa bundok at sa mga liblib na lugar, para makarating sa kanilang ang mga kaganapan at pagkakataong kagaya nito.
Masaya at magaan sa loob kong ipa-abot sa kapwa ko ang ganitong opurtunidad, dahil batid kong pagtutulungan at pagbibigayan ang makakapagpa-unlad sa ating bansa. Kung walang pagbibigayan at yung mga nasa taas lamang ang nakikinabang patuloy na malulubog ang ating bansa. Mabuting mapagtuonan ng pansin ang ganitong provlema, upang maaksyonan kaagad at mabigyan ng solusyon, kagaya ng kawalan ng edukasyon na isang malaking problema na sinulusyonang ni Senator Gatchalian ng ALS o Alternative Learning System na nakakatulong sa mga kababayan natin.
Bilang isa ring mag-aaral hangad ko mabigyan rin ng sapat na edukasyon ang kapwa ko rin estudyante, para parehong umunlad at umangat ang ating bansa. Kagaya nga ng sinabi ni Nelson Mandela na “Education is the most powerful weapon which you can use to change the world.”, na nagpapahayag na maaari nating mabago ang mundo kung may sapat tayong kaalaman at maari natin itong mas pagbutihin pa. Kailangan nating bigyan ng sapat at magandang kwalidad ng edukasyon ang bawat isa, ng sa ganoon, mapabuti at mabago natin ang bulok na sistema ng ating mundo.