Ang Banoy

Kadiwa ng Pangulo sa San Antonio, Quezon, dinagsa ng mamimili  

Libu-libong mamimili ang nagtungo sa San Antonio Cultural and Sports Center noong isinagawa ang Kadi...
Home » Kadiwa ng Pangulo sa San Antonio, Quezon, dinagsa ng mamimili  

Libu-libong mamimili ang nagtungo sa San Antonio Cultural and Sports Center noong isinagawa ang Kadiwa ng Pangulo, isang programa na naglalayong magbigay ng mas murang bilihin tulad ng bigas, gulay, at prutas habang direktang tinutulungan ang mga magsasaka at maliliit na negosyante.  

Ang naturang inisyatiba ay bahagi ng pagsusumikap ng administrasyon upang alisin ang middleman sa bentahan, kaya mas mataas ang kita ng mga nagtitinda habang nananatiling mababa ang presyo ng bilihin para sa mga mamimili. Dahil dito, maraming lokal na magsasaka at negosyante ang nakinabang, at agad naubos ang karamihan sa kanilang paninda.  

Ayon sa mga nagtitinda, malaki ang naitulong ng Kadiwa sa kanilang kita dahil hindi na kinakaltasan ng malalaking negosyante ang kanilang produkto. “Mas madali naming naibebenta ang aming ani, at siguradong sa amin napupunta ang kita,” pahayag ng isang magsasaka na lumahok sa programa.  

Samantala, ang mga mamimili naman ay natuwa sa mas murang presyo ng bilihin. Marami ang nagdala ng kanilang pamilya upang mamili ng mga pang-araw-araw na pangangailangan. “Talagang sulit dito! Mas mura at sigurado kang sariwa ang produkto,” ayon sa isang mamimili na namili ng gulay at bigas.  

Bukod sa abot-kayang bilihin, kasabay ng Kadiwa ng Pangulo ang ika-16   na Diskwento Caravan, na nagbigay ng mas maraming opsyon para sa mga mamimili. Sa pamamagitan nito, hindi lang pagkain kundi iba pang produkto ang naibenta sa mas mababang halaga.  

Dahil sa matagumpay na turnout ng unang Kadiwa ng Pangulo sa bayan, maraming mamimili at nagtitinda ang umaasang magiging regular ang ganitong programa. Anila, malaki ang naitutulong nito hindi lamang sa kanilang mga bulsa kundi pati na rin sa sektor ng agrikultura na patuloy na isinusulong ng administrasyon.  

Sa kabila ng tagumpay ng unang pagsasagawa, nananatiling hamon kung paano mapapalawak ang inisyatiba upang maabot ang mas maraming lugar. Gayunpaman, positibo ang pananaw ng mga nakilahok na sa pamamagitan ng Kadiwa sa Pangulo, patuloy na mapapalakas ang ugnayan ng mga magsasaka at mamimili habang natutugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

More Articles

Scavenger Hunt!

In the youth camp, a quick pop-up event happened! it was a surprise scavenger hunt, it was only two minutes, and I was running all over the place, I only…
Read more

Lumalapit na opurtunidad 

Alternative Learning System (ALS), isang programang si Senator Win Gatchalian ang may akda at sponsor, kung saan nabibigyan ng ikalawang pagkakataon ang mga kababayan natin. Dahil sa tumataas na dropout…
Read more

Subscribe Our Newsletter For Excited Offers

  • J.P. Rizal Street, Purok Maliwanag, General Santos City, 9500
  • info@banoybalita.com
  • (083) 552 3842
Copyright © 2025 Banoy Balita

Maging alisto sa mga napapanahong balita!

Maging miyembro ng Ang Banoy!