Tinutuloy ngayon ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang programang “Kadiwa ng Pangulo” para sa layunin nito na parehong makinabang ang mga magsasaka at mga mamimili. Tinggal sa sekular ng bentahan ang middleman. Isa pa sa mga layunin nito ay ang mabenta ang mga produkto, kung saan tiyak na mas kikita ang mga magsasaka, mangingisda, at mga maliliit na negosyante.
Isinagawa ang Kadiwa ng Pangulo para mapalago ang sektor ng agrikultura na makaktulong sa nakararami lalo na ng mga magsasaka at iba pang pangkabuhayan. Dinudumog ang Kadiwa ng Pangulo ngayon at marami ang nagpapalista ng pangalan para makapamili rito dahil sa dami at mura ng mga bilihin gaya ng bigas, gulay at prutas.
Sumali rin ang “Diskwento Caravan” na nasa Cultural and Sports Center sa San Antonio, Quezon kasama ang Kadiwa ng Pangulo. Ayon pa sa isang mamimili na si Cristine Dauz “Sabi kasi pag Kadiwa mura kaya… tsaka presyong paninda.”
Komento ng marami ay malaking tulong ang ginagawang hakbang ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) para sa pag-unlad ng sektor ng agrikultura ngunit may iba na mang umangal at sinabing “Hindi naman kasi lahat makaka-avail sa Kadiwa ng Pangulo, tapos kadalasan may iba ring mga kapitbahay eh… hindi nagsasabi na may ganito, ganyan pa lang nagaganap na unfair naman sa mga kagaya namin. Makakamura sana kami at maaari pa naming bilihin ang mga kailangan namin sa pang-araw-araw.”
“Isang malaking tulong sa aming mga magsasaka, sa aming mga magtatanim na naibebenta namin ang dapat, dahil ang Kadiwa ng Pangulo, ito yung halos ay, pinagsama-sama para bumili ang mga mamimili. Produktong sariling atin, dapat nating tangkilikin.” Ayon pa sa isang magsasaka na si Noriet Murillo na natutuwa sa programa ng gobyerno.
Marami ang natutuwa sa isinagawang proyektong ito ni PBBM dahil sa malaki nga ang naitutulong nito at madami pa ang matutulungan nito, ngunit may iilan paring hindi naniwala rito, sabi pa ng isang individual na “Pakitang tao lang yan, para lang yan maniwala sa kanya ang mga tao.” .
Nais pa ng programa na marami pa ang maabutan ng tulong at mas maipa-abot pa ito sa kahit saang panig ng bansa na totoo naman nakakatulong. Hindi maiwasan ng iilan ang magdalawa dahil sa sari-saring mga naririnig ng mga ito.