Malaking tulong kung bigyang diin ng iba ang “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Ferdinand Marcos, dahil sa mura at dami ng produkto, pero bakit limitado lang ang nakakasagap na may mura palang mga pwedeng pagbilhan ng mga produkto. Batid ng lahat ang tulong na ito at natutuwa, pati narin ako. Kung iisipin makikitang malaki ang naging tulong nito sa mga magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante at lalo na sa mga mamimili.
Isa sa nakikita o napapansin ko patungkol sa “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM), hindi ito pinapaalam sa iba na naghihirap ng sobra, sadya nga bang hindi sila nakikisama o may mga sakim lang talaga? Bigyang pansin natin ang ganitong mga isyu at para matugunan kaagad nang makita natin ang mga taobg naghihirap ng lubusan na karapat dapat na makinabang. Baka naman pala as lang lahat ng ito para makuha ang loob ng maraming tao.
Natutuwa naman ako sa ginawang programa ng Pangulo, ngunit lahat nga ba talaga ang nakikinabang? Bakit tila hindi ito nakakarating sa iilan? Hindi nga ba nakakarating o pinipigilan itong makarating ng mga nasa kaoangyarihan?
Sana mabatid ito ng gobyerno na ang nakararami lalo na ang mga naghihirap ang mas dapat makinabang, hindi lang yung iilan, dahil sa kanilang kasakiman. Kung ako ang tatanungin mas uunahin kong bigyan ng tulong ang nga naghihirap kaysa sa may kaya pa, batid Kong para sa lahat ang Kadiwa, para tulungan ang mga mamamayan sa tumataas na bilihin, pero sana naman hindi sila maging sakim at bigyan rin nila ng pansin ang nga masnaghihirap pa sa kanila. Mga opisyal na sinosolo ang mga pagkakataong kagaya ng programang ito ng gobyerno, mga taong hindi nararapat sa posisyon at sa botong ibinigay ng sambayanan.
Pagbibigayan ang sulosyon para sa mas mapayapa’t maayos na bayan, dapat nating bigyan ng pansin ang mga naghihirap na karapatdapat na makinabang sa ginawang proyekto ni PBBM. Magiging mas matiwasay ang pamumuhay at mas makinabang ang dapat na makinabang at hindi ang mga kaya namang makabili.