Ayon sa Year Two Report ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), umaabot sa 600,00 kada taon ang average enrollment sa ALS ngunit nanatiling mababa ang bilang nag nagtatapos dito, kaya hinimok ni Senator Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na tugunan ang mga kakulangan sa pagpapatupad ng batas sa ALS para mas tumaas ang bilang ng mga mag-aaral na nakakapagtapos sa programang ito. Para sa school year 2023-2024, 302,807 (46.2%) lamang ang bilang ng mga nagtapos dito.
Binigyang diin ni Gatchalian ang mga dapat malaman ng mga mag-aaral kung ano ang mga kakayahan at trabaho na maari nilang makuha matapos makumpleto ang programa. Iminungkahi rin niya ang programa sa guidance at counseling upang hikayatin ang mga mag-aaral ng ALS na manatili sa programa. Sa ALS nabibigyan ng ikalawang pagkakataon sa edukasyon ang mga hindi nakapagtapis ng pag-aaral. Sa ilalim ng Alternative Learning System Act” (Republic Act No. 11510), ginagawang institutionalized, pinatatag, at palawakin ang saklaw ng ALS upang mabigyang ng pagaakataong makapag-aral ang nga nakakatandang mag-aaral, mga out-of-school children in special cases, maging ang mga indigenous peoples.
Ayon sa pag-aaral ng United Nations International Children’s Emergency Fund UNICEF noong 2021, kadalasan dahilan ng Mataas na dropout rate ang kakulangan ng suportang pinansyal, pangangailangan makapagtrabaho, at ang kakulangan ng interes. Nilagdaan ang batas sa ALS noon pang 2020, ngunit hindi pa rin lumalabas ang pamantayan para sa pagpapatupad nito na pinuna ng EDCOM. Isa rito ang tulungan ang Local Government Unit (LGU) na magamit ang Special Education Fund (SEF).
Marami ang nasiyahan sa pagpapa-unlad ni Gatchalian sa programang ALS para matulungan ang mga mag-aaral na hirap sa buhay. Nais ng marami na sana mas pagbutihin pa ni Senator Win at ng gobyerno ang programang ALS sa pagsuporta sa mga estudyante nito. Bagamat marami ang nagda-dropout, kinakatuwa ng mga mamayan ang panmumungkahi at pang-eenganyo nito na makapagtapos ang mga mag-aaral nito sa parehong programa.
“Maiintindihan rin naman po kasi natin kung nagda-dropout yung student kasi po minsan may mga problema pong hindi talaga makaya or ma-handle po ng student lalo na po kung, like mga bayarin po ganon.” Ayon sa isang estudyante “Siguro po nakakatuwang isipin na may programang ganito na nagbibigay po ng opportunities sa kapwa din po namin.” dagdag pa ng estudyante
Ikinatuwa naman ng mga guro ang panghihikayat ni Gatchalian sa mga mag-aaral na tapusin ang ALS dahil sa mga maaaring nilang matanggap na mga opurtunidad sa programa kung magtatapos sila dito. Sabi pa ng isang ina na guro rin, “ Nasisiyahan po ako kase… sapagkat may programa na kung saan mabibigyang pansin ang mga mag-aaral na nais makapag-aral, ngunit hindi nila magawa dala bg kahirapan at iba pang mga personal na rason.”. Makakabuti rin ito hindi lang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa magulang ng bata, dahil kahit papaano, may natututunan parin ang kanilang mga anak.
“Mahalagang maunawaan ng ating mga mag-aaral sa ALS ang mga opurtunidad ba maaari nilang matanggap sa ilalim ng programa. Ang ALS ay nagbibigay ng pangalawang pagkakataon sa ating mga kababayan at hindi natin ito dapat sayangin.” Ayon kay Gatchalian, may akda at sponsor ng batas sa ALS.