Nakakatulong talaga ang Kadiwa ng Pangulo dahil sa laki at pagtaas ng mga presyo ng bilihin, hindi talaga maiiwasang maghirap ang mga tao sa paghahati-hati at pagbubudget sa mga kailangang bilhin gaya ng pagkain sa araw-araw, kuryente, tubig at iba pang mga bayaran.
Natutuwa ako sa isinagawang programa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil hindi lang sa nakakatulong ito sa mga magsasaka, mangingisda at maliliit na negosyante kundi pati na rin sa mga mamimili na naghihirap sa mga gastusin.
Dahil sa Kadiwa ng Pangulo mas napapa-unlad nito ang sektor ng agrikultura na pinagkukuhanan ng pagkain ng mga taong bayan na isa rin sa kabuhayan ng mga magsasaka, mangingisda at mga maliliit na negosyante, dahil sa Kadiwa ng Pangulo, mas dami at mura ang mga produkto kagaya ng bigas, gulay, at prutas.
Bilang isang anak nais kong mas mabawasbawas ang nagagastos ng aking mga magulang, dahil batid ko din ang kaganapan sa paligid ko gaya na lamang sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kaya nasisiyahan talaga ako sa isinagawang programa ng gobyerno, kung saan mas makakatipid ang aking mga magulang sa mga gastusin.
Para sa akin isa itong mabuting hakbang sa pagpapalago sa sektor ng agrikultura, dahil sa benepisyong nakukuha ng parehong mamimili at negosyante na nakakatulong sa mamamayan.
Masasabi kong napapakinabagan talaga ng nakararami ang programang ito ng gobyerno na parehong nagpapalago at nagpapabuti sa daloy ng bentahan ng mga produkto ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Ngunit minsan, hindi sa lahat ng pagkakataon makaka-abot ka sa mga paninda roon, dahil marami ang umaasa sa murang presyo ng mga bilihin sa Kadiwa, kaya kung minsan, kapag na-uubusan na, makaka bili ka talaga sa mga tindahan na mataas ang presyo.