Heneral Santos City– Kinatawan ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Heneral Santos (PMPLHS) si Ricris Divine D. Pormento sa Editorial Cartooning (Filipino) – Secondary Level sa darating na Regional Schools Press Conference (RSPC) na gaganapin sa Isulan, Sultan Kudarat.
Bilang paghahanda, ibinahagi ni Pormento ang kanyang mga ginagawa upang mapahusay ang kanyang kakayahan sa paglikha ng editorial cartoon. “Nagbabasa ako ng mga artikulo upang magkaroon ng ideya sa mga isyung maaaring pagbasehan ng kartun. Bukod dito, regular akong nagpapraktis sa pagbuo ng konsepto upang mapaunlad ang aking pag-iisip,” ani Pormento.
Inamin din niya ang hamon ng kompetisyon, lalo na sa pagbuo ng konsepto at paggamit ng limitadong mga elemento. “Mahirap ito dahil kailangan gumamit ng malikhain at kritikal na pag-iisip upang maipahayag ang mensahe sa pamamagitan ng simpleng kartun,” dagdag niya.
Si Pormento, na gumawa rin ng straight news, ay patuloy na nagsusumikap upang maging handa sa RSPC, kung saan magtatagisan ng husay ang mga mamamahayag na mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralan sa rehiyon.
Ang RSPC ay isa sa pinakamahalagang kumpetisyon sa campus journalism, na naglalayong linangin ang kakayahan ng mga kabataang mamamahayag sa iba’t ibang larangan ng pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita, lathalain, editoryal, at editorial cartooning.
Leave a Reply