
Wrestling, isang larong hindi basta-basta at kung ano-ano lang, ito ay larong nangangailangan ng mahuhusay na taktika, mga pagpapabuti at ang pageensayo sa paghinga maging ang tibay ng stamina.
Matibay na loob at tiwala sa sariling matatalo ang kalaban ang dapat isa-isip kapag ikaw ay nasa loob ng labanan, pagkapanalo ay dapat makamtan, dahil di lang lakas ang puhonan kundi maging ang tiwala sa sarili.
Behind the back, mapalabas sa ring/bilog, double leg attack, rolling, parterre, farmers carry at pin down ang iilan sa mga basic execution na dapat malaman ng isang wrestler.
May iba’t ibang paraan rin para tukuyinn ang kanilang mga iskor kagaya ng thumbs up na nangangahulugan ng isang puntos, tsek naman kung dalawang puntios at apat na daliri kung apat na puntos.
Isang putos kung ang atakeng na ginawa ng wrestler sa katunggaling wrestler ay behind the back at kung mapalabas nito sa bilog/ring ang kalaban; double leg attack, rolling, at parterre naman ay may katunbas ba dalawang puntos; apat na puntos naman kung farmers carry at limang puntos naman kung pin down.
Mga larong nangangailangan ng focus at pag-oobserba sa maaring gagawing susunod na atake ng kasalungat para makontra at malabanan ang mga atakeng gagawin nito, para rin matalo mo ang kabakbakan.